CHAPTER 17

4.2K 113 8
                                    

Tulala ako habang nakatingin sa lalaking nakahiga na wala ng buhay dito sa Morgue ng Hospital.

Hindi ko alam kung paano ko kinayang pumunta rito para lang makita siya

Masiyado daw matindi ang tinamo nitong pinsala sa katawan kaya dead on arrival na ito ng dalhin dito sa Hospital

Napatitig ako sa mga kamay kong walang tigil sa panginginig.

"Hija, uminom ka muna ng tubig"

Nilingon ko si Manang Lumeng ng tumabi ito sa akin. Kinuha ko ang iniabot nitong bottled water at sinimulang inumin. Hindi ako makainom ng maayos dahil sa panginginig ng mga kamay ko

"Gusto mo bang lumabas na" Hinawakan nito ang isa kong kamay at mahinang piniga iyon. Tumango ako sa kaniya

Inalalayan ako nitong makatayo. Nilingon ko sa huling pagkakataon ang lalaki bago kami tuluyang lumabas sa kwartong iyon

"N-nasaan na po si Don, Manang?"Inilibot ko ang aking paningin para hanapin si Don

"May inaasikaso lang siya Hija. Sabi niya na mauna na tayo sa sasakyan"

Gaya ng sabi niya ay lumabas na kami ng hospital at dumiretso sa sasakyan ni Don.

Ibang sasakyan ang narito dahil naiwan sa pinangyarihan ng aksidente ang kotseng ginagamit niya. Pinaiwan ng mga pulis para sa imbestigasyon

Pinapasok ko na sa loob sila Manang, habang ako ay nanatili lang sa labas ng sasakyan

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil walang nangyaring masama sa kaniya. Nalulungkot lang ako para doon sa Mama na nawalan ng buhay

Ang sabi ni Manang kanina ay nakabungguan daw ni Don yung lalaki. Sumalpok daw ang sinasakyan nitong motor sa kotse ni Don

Sabi daw ng mga nakakita ay mabilis daw ang patakbo ng Motor ni Manong dahil nawalan ito ng preno ,kaya sumalpok ito sa kasalubong nitong sasakyan, na kotse ni Don

Si Don na ang sumagot ng lahat ng gastusin no'ng lalaki. Pati na rin ang pagpapalibing

Halos isang oras din kaming naghintay saka lumabas ng Hospital si Don. Ng makalapit ito sa kinaroroonan ko ay seryoso ako nitong tinapunan ng tingin. Pansin ko ang ilang mga band aid sa kaniyang Mukha at sa kaniyang mga braso

Marami din kasi siyang naging sugat dahil sa nangyari. Pinagpapasalamat ko nga dahil tanging mga mabababaw na sugat lang ang natamo niya

"Let's go home" ani'ya sa malamig na tinig saka ako nilampasan at dumiretso sa driver seat. Saglit akong natigilan at napatulala

Bakit gano'n ang inasal niya?

Kahit nagtataka ay sumunod na lang din ako. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat at doon umupo

Habang nasa byahe pauwi ng Mansion ay sobrang tahimik niya. Paminsan minsan ay tinitignan ko siya. Diretso lang ang tingin niya sa daan.

Saglit kong nilingon sina Manang na nasa Backseat. Tulog na silang tatlo. Siguro ay dahil sa sobrang pagod

Ibinalik ko ang aking tingin sa harapan

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Naghahanap ako ng tiyempo para tanungin kong ayos lang ba siya. Ibubuka ko na sana ang aking bibig ng mauna itong magsalita kaya napatingin ako sa kaniya

"Where have you been all day?" Malamig na tanong nito habang nasa harapan pa rin ang tingin

Magkasunod akong lumunok ng aking laway. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko. Para akong naiiyak na hindi ko maintindihan

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon