CHAPTER 18

4.1K 118 8
                                    

Nakangiti akong naglalakad papasok ng Mansion. Gusto kong sabihin na kaagad kay Don ang tungkol sa baby namin.

Hindi ko na iniisip kung ano man ang magiging reaksiyon niya. Basta gusto kong malaman niya na agad na magiging Daddy na siya

Pagpasok ko ng Mansion ay dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil medyo nauuhaw ako.

Nadatnan ko doon si Manang Lumeng na taong kusina dahil laging nakatambay sa kusina

"Hi Manang" masayang bati ko rito

"Tila yata napakaganda ng iyong Araw Hija at nakangiti ka. Magkaiba kayo ni Don na maghapong nakasimangot" ani'to na ikinataka ko

"Maghapon ho bang narito si Don? Akala ko ho ba ay may lakad siya?" Tanong ko saka dumiretso sa Ref. Tubig sana ang kukunin ko kaya lang, bigla kong nakita ang isang gallon na ice cream

Bigla akong natakam. Ilang ulit din akong napalunok.

Hindi ako mahilig sa ice cream pero parang gusto kong kumain ngayon. Mukhang gusto ng baby ko. Napangiti ako

Walang pagdadalawang isip na kinuha ko ang ice cream at nangingiti 'yong pinagmamasdan

"Oo Hija. Maaga siyang umuwi kanina. Mukha ngang mainit ang ulo dahil salubong na salubong ang mga kilay ng makita ko" ani Manang

Lumakad ako at dumiretso sa Counter. Inilapag ko doon ang gallon ng ice cream bago ako umupo sa stool

"Gano'n naman ho siya 'diba nitong nagdaang mga Araw. Parang laging mainit ang kaniyang ulo. Hindi ho kaya, dahil doon sa aksidenteng nangyari?"

Binuksan ko ang Ice cream at sinimulang lantakan. Mango flavor kaya naman sobrang sarap!

Huminto siya sa ginagawa at tumingin sa akin. Humugot ng isang malalim na buntong hininga saka nagsalita

"Hindi kaya bumabalik na naman ang sakit niya. Huwag naman sana" Mahina nitong sabi kaya hindi ko narinig

"Ano ho?" Tanong ko

Nagtaka ako ng mabilis itong nag-iwas ng tingin at bumalik sa kaniyang ginagawa

Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon at pinagpatuloy ang paglantak ko sa Ice cream

Sandali akong natigilan sa pagsubo ng makita ko si Don na papasok dito sa loob ng kusina. Tila galing ito sa pagligo dahil basa pa ang buhok nito

Agad na lumanding sa akin ang walang emosyon nitong tingin

"I have visitors later. Go upstairs and just stay inside your room. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi. Kapag sumuway ka ulit. I will give you the hardest punishment you deserve" ani'ya saka mabilis na lumabas ng kusina

Napaawang naman ang aking bibig. Tinignan ko si Manang na nakatingin din pala sa akin.

Tipid itong ngumiti "Sundin mo na lang siya Hija" sabi nito saka muling hinarap ang kaniyang ginagawa

I heaved a deep sigh

"Bakit ho ba lagi niya na lang akong pinagbabawalang lumabas ng kwarto ko kapag may bisita siya. Ikinahihiya niya ho ba ako, Manang? " Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil biglang sumikip ang aking dibdib

Bakit nga ba gano'n. Hindi ba't ipinakilala niya na akong asawa niya sa mga tao. Bakit ayaw niya akong iharap sa mga bisita niya ngayon

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Manang. Hinawakan nito ang aking pisngi at marahan iyong pinunasan "Huwag kang umiyak, Hija. Walang katotohanan ang iyong iniisip. Siguro ay ayaw lamang ng Don na makita ka ng mga bisita niya ngayon dahil may ilan yatang kalalakihan ang dumating. Alam mo naman kung gaano kaseloso si Don pagdating sa'yo, hindi ba?"

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon