CHAPTER 16

4.4K 107 7
                                    

Sloane


"Sigurado ka bang kaya mo?"

Nilingon ko si Don na nasa Driver seat. Tumango ako sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin ko sa bintana ng sasakyan

Narinig ko siyang bumuntong hininga "Just tell me kung hindi mo kaya, Understand?"

Tumango na lang ako ng hindi tumitingin sa kaniya.

Ewan ko ba sa taong 'yan at ayaw niya akong payagan na bumoto ngayong araw. Dahil masama daw ang pakiramdam ko kahapon. Sinabi ko naman sa kaniya na okay na ako at kaya ko na. Matigas lang talaga ang ulo niya

Ngayong Araw na ang eleksiyon. At papunta na kami ngayon sa school kung saan kami boboto

Ng marating namin ang School ay mabilis akong bumaba at hindi na siya hinintay pa. Ewan ko ba, pero parang may kaunting irita akong nararamdaman para sa kaniya

Medyo marami ng tao ang nakapila. Pumila na rin ako para matapos na at makauwi na ako

Nilingon ko si Don dahil parang kanina pa ay wala pa rin siya. Dapat ay nasa tabi ko na siya dahil sabi niya ay dapat sabay kaming pipila

Awtomatikong umarko paitaas ang kilay ko ng makita kong pinapalibutan na siya ng mga babae. Meron pang isang babae na humalik sa pisngi niya. Nakangiti siya sa mga ito na siyang ikinainis ko

Napatingin ako sa mga kamay ko ng may humawak doon. Tinignan ko ang babaeng katabi ko ng may pagtataka

"Kawawa naman areng halaman, Hija. Kanina po pa sinasabunutan" ani'ya saka tipid na ngumiti. Tinignan ko naman ang halaman na tinutukoy niya. At doon ko mapagtanto na nakahawak doon ng mahigpit ang isa kong kamay

"Kung may galit ka, Hija. Huwag mo namang ibuntong sa mga halaman. Kawawa naman sila" dugtong pa nito. Nahihiyang inalis ko ang kamay ko sa halaman at itinago sa likuran ko

"P-pasensya na po" tipid naman itong ngumiti

Pinilit ko na lang ang sarili kong huwag ng lingunin ang malanding matanda na iyon.

It took me 1 hour saka ako nakapag-boto. Ng matapos ako ay walang paalam na umuwi ako sa Mansion sakay ng tricycle.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Pakiramdam ko nagseselos ako

Teka,

Nagseselos nga ba ako?

Pero normal lang naman 'yon 'di'ba? Normal lang sa akin na magselos dahil may pakiramdam din naman ako.

Pagdating ko ng Mansion ay dumiretso ako sa Silid ko. Sakto rin na tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay unregistered number.

Hindi ko na sana papansin pero mukhang wala yatang balak tantanan ang cellphone ko kaya sinagot ko na lang

"Hello?"

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa kabilang linya. Mukhang nahimigan nito ang pagka-irita sa boses ko

( "Mukhang mainit ang ulo mo ngayon ah haha" )

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang boses nito

"KASPER?"

Is this really him?

Ewan pero parang sobrang saya ko ng marinig ko ulit ang boses niya

He laughed ( "Yes Honey, It's me. Your Kasper haha" ) He joke that made me chuckle

"Kamusta ka na? Teka, kamusta diyan sa London? Teka, London nga ba yun?" Nag-isip pa ako kung tama bang sa London siya. Tumawa na naman you siya

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon