CHAPTER 20

4.6K 135 8
                                    

“What did you say?”

Agad nanlaki ang mga mata ko ng dahan dahan itong nagmulat ng mga mata. Tumitig ito sa akin gamit ang mapupungay nitong mga mata

Iniangat nito ang isa niyang kamay at inihawak sa pisngi ko “Say it again..please!” paos nitong sabi

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at nginitian siya “Mahal kita. Mahal kita Daddy boo ko” diretsong sabi ko. Walang dahilan para ilihim ko pa sa kaniya ang nararamdaman ko. Ayoko ng maglihim pa sa kaniya ulit. Dahil natatakot akong baka mag-sawa na siya sa akin

Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi “This is the best dream I ever had. Mahal din kita baby boo ko” sambit nito saka muling ipinikit ang kaniyang mga mata

Napangiti na lang ako. Mukhang inisip niyang isa lang itong panaginip. 

Hinaplos ko ang kaniyang mukha at muli siyang hinalikan sa labi

Sa totoo lang, masasabi kong ako na ang pinaka-maswerteng babae sa buong mundo. Napaka-swerte ko dahil dumating siya sa buhay ko

Tumayo ako at dahan dahan na sumampa sa kama niya at humiga sa tabi niya. Iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang niya. Sa kabilang side siya nakaharap kaya nakatalikod siya sa akin. Isiniksik ko rin ang mukha ko sa malapad niyang likod at sininghot ang amoy niya

I love his smell now. Nakaka-refresh ang amoy ng katawan niya kahit na mukhang wala pa siyang ligo

I smiled before I close my eyes. Bahala na kung ano man ang maging reaksiyon niya pag-gising niya at makita niya akong narito. Basta matutulog ako ngayon ng katabi siya

NADISMAYA ako pag-gising ko. Ako na lang kasi ang mag-isa sa kama.

I sighed.

Bumangon ako at umupo. Tinignan ko ang wall clock at napag-alaman kong alas singko na pala ng hapon.  Mahaba-haba rin pala ang naging tulog ko.

I stretched out my arms and yawned

Balak ko na sanang tumayo para lumabas ng biglang bumukas ang pintuan ng Banyo ni Don. Lumabas siya mula doon na tanging tuwalya lang ang suot dahilan para bumilog ang mga mata ko ng pagkalaki-laki

I gulped twice

I can't take my eyes off him, Specially on his body that's still wet

Okay? What are you doing Sloane? Bakit gan'yan ka nakatitig sa katawan niya

Muli akong napalunok ng humakbang ito palapit sa akin. Umangat ang aking  tingin sa kaniyang Mukha. Bigla siyang ngumisi habang diretsong nakatingin sa aking mga mata

Ng nasa paanan ko na siya ay nagulat ako ng sumampa siya sa kama at dahan dahan na gumapang paakyat sa pwesto ko. Muli akong napalunok ng pumwesto siya sa ibabaw ko

Nakatukod ang dalawa nitong braso sa magkabilang gilid ng aking bewang habang ang dalawa nitong paa ay pinagitnaan ang mga hita ko

“That was not a dream, wasn't it?” Malambing nitong tanong habang mariing nakatitig sa akin

“Sabihin mong hindi ‘yon panaginip, Sloane. Tell me that what you said those words earlier wasn't a dream” Tila nagsusumamo ang tinig nito

Ang tinutukoy niya ba ay ang pag-amin ko kanina na mahal ko siya

“Kasi kung panaginip lang ‘yon, edi sana wala ka dito ngayon sa kwarto ko. Hindi kita madadatnang tulog dito katabi ko. Tama ako hindi ba?” Mas inilapit nito ang Mukha niya sa akin. Sa tanstya ko ay parang kalahating pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga Mukha

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon