CHAPTER 41

3.8K 105 2
                                    

Sloane

Mula Quezon City ay bumyahe kami nila Don patungo sa bayan ng Alfonso sa Cavite. Doon daw kasi namin imemeet ang sinasabi niyang si Amarie. Kasama rin namin sina Haddi at Kasper. Dapat nga sana ay si Haddi lang dahil siya ang magmamaneho. Pero masiyadong makulit si Kasper at gusto raw sumama kaya pumayag na ako. Wala rin namang nagawa si Don dahil ako na ang nagdesisyon kahit na ayaw niya, gano'n na rin si Haddi

Hindi ko alam kung bakit abo't abot ang kabang nararamdaman ko. Ime-meet lang naman namin ang Amarie na sinasabi ni Don pero kakaiba na itong pakiramdam ko.

Lungkot. Excitement. Longing. I don't understand why I feel those kind of feeling.

“What are you thinking?”

Nilingon ko si Don na nasa tabi ko. Hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa aking hita at marahang pinisil 'yon. Dito kaming dalawa nakaupo sa backseat. Si Kasper ang nasa shotgun seat at si Haddi naman ang nagmamaneho

Nginitian ko siya ng tipid saka umiling. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pinagsakop ko ang aming mga palad

“Inaantok lang ako” Maikli kong sagot saka ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso niya sa beywang ko

“Take a nap then. Gigisingin na lang kita kapag naroon na tayo” Saad nito saka hinalikan ang ibabaw ng aking ulo

Honestly, gusto ko sanang itanong sa kaniya kung sino ba si Amarie at kung bakit kailangan namin siyang kitain. Kaya lang, ayaw makisama ng bibig at dila ko sa akin.

Siguro dahil na rin sa pagod ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Nagising na lang ako ng marahang tinapik-tapik ni Don ang aking pisngi para gisingin

“We're here”

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumilip sa labas ng bintana. Nagtaka ako ng mapansin kong puro Puno sa paligid

Nasa gubat ba kami?

“Baba na tayo” ani Don saka nauna ng bumaba. Dahan dahan na rin akong bumaba, naka-alalay naman siya sa akin.

“Taong gubat ba si Amarie?”

Napatawa ako ng mahina dahil sa itinanong ni Kasper. Honestly, pareho kami ng tanong

“S-tupid Monkey!” asik ni Haddi. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kasper.

“I'm not talking to you Hippo. Tsk!” Balik nito saka lumapit at tumabi sa akin. Akmang aakbayan niya ako ng pigilan siya ni Don

“Subukan mo. Papakain kita sa mga alaga kong Lion dito” Malamig na saad ni Don saka niya ako maingat na hinila palapit sa kaniya. Naiwan naman sa ere ang braso ni Kasper

“Tsk! Hindi ka na lang sana bumalik” Rinig kong bulong ni Kasper habang nakasimangot. Ibinaba na rin nito ang kaniyang braso

“Saan ba natin kikitain dito si Amarie?” Pag-iiba ko ng usapan. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Wala akong makitang kabahayan. Puro Puno lang talaga

“I have a rest house here. Doon pansamantalang nanunuluyan si Amarie at ang Auntie niya for their safety” Rinig kong sagot ni Don sa tanong ko. Kunot noo ko naman siyang tinignan

Magtatanong pa sana ako kung anong ibig nitong sabihin sa word na safety na sinabi niya pero hindi ko na naituloy dahil sa pagsulpot ng isang lalaki na di ko alam kung saan nanggaling. Base sa Mahaba at medyo puti na nitong mga buhok. Mababatid kong nasa 60's na ito

“Sir Vius , narito na ho pala kayo” Anito sa magalang na paraan. Bumaling ang tingin nito sa akin at bahagya pang kumunot ang noo. Bumaba din ang kaniyang tingin sa aking tiyan na mas lalo pang ikina-kunot ng kaniyang noo

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon