CHAPTER 14

4.8K 117 6
                                    

I don't want him to see me afraid of him kaya nilakasan ko ang loob ko. Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa kaniya

Yumuko ito at pinulot ang mga folders na nabitawan ko saka niya inabot sa akin. Mabilis ko rin naman iyong kinuha sa mga kamay niya

"Hinahanap mo daw ako?" I forced myself not to stutter in front of him. Ayokong isipin niyang takot ako sa kaniya.

He smiled. A kind of smile that can surely melt every woman's heart, but not me. I will never be tame of his smiles

"Yes. If you don't mind, I just want to invite you for a coffee date. Hindi ka ba busy ngayon?" He asked in a calm tone. The way he talk, para lang siyang normal at walang sakit

"Uhmm sorry, pero hindi ako pwede ngayon. Meron kasi akong imporatanteng pupuntahan" sagot ko saka bahagyang ngumiti sa kaniya "Mauna na ako"

Maglalakad na sana ako ng mapatigil ako dahil sa paghawak nito sa braso ko. Nilingon ko siya

"Kahit 10 minutes lang. I just want to have a nice conversation with you. At isa pa, I also want to apologize for my behavior last night. I have no intention of scaring you and making you feel uncomfortable. I'm really sorry for that. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko ng makita kita ulit" saad niya. He's sincere. Nakikita ko 'yon sa mga mata niya

I let out a sigh "I'm sorry Mister, pero hindi talaga ako pwede ngayong Araw"

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at mabilis na naglakad palabas ng hospital

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nag-aabang ng tricycle dito sa labas. Sobrang tirik na tirik ang Araw kaya naman pawisan na ako. Mas nangintab pa lalo ang kulay ng balat ko.

Kung kelan naman nagmamadali ako saka pa walang tricycle kainis!

Mabuti na lang din at mukhang hindi ako sinundan ni Hadrian. Pero 'yon ang akala ko.

Dahil nagulat na lang ako ng biglang may nagpayong sa akin. Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Hadrian na nasa tabi ko na pala. Nag-iwas na ako ng tingin at lumayo ng kaunti sa kaniya

"Bakit nag-papainit ka dito. Sino bang hinihintay mo?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Tinignan ko ang relo sa aking pala-pulsuhan at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong 11: 40 na. Jusko! Late na ako sa pagsundo

"Is there something wrong?"

"Wala. Kailangan ko lang makahanap agad ng tricycle para masundo si Xuxu" sagot ko saka naglakad palayo sa kaniya

Paikot-ikot na ang ulo ko sa paghahanap ng masasakyan pero sadyang minamalas yata ako dahil kahit jeep o kaya de-padyak ay wala akong makita

"I have a car. I can give you a ride" ani ng boses sa tabi ko

I bit my lower lip and face him. Wala na akong choice. I need to be there right on time, mainipin pa naman si Xuxu. Baka bigla na lang 'yon lumabas ng classroom niya para maghanap ng sundo. Kaya lang,

This man in front of me who offered for help is Hadrian-the man that I should avoid because of his condition

Muli akong tumingin sa paligid at laking pasasalamat ko ng may nakita akong paparating na tricycle

"Hindi na. Salamat" ani ko sabay takbo palapit sa tricycle na huminto sa paradahan. Sinabi ko kaagad kay Manong kung saan ako pupunta kaya agad din siyang magmaneho.

Nilingon ko sa huling pagkakataon ang pwesto ni Hadrian. Nakatayo pa rin ito ng diretso habang nakatingin sa gawi ko.

Ewan ko ba pero, nakaramdam ako ng guilt dahil sa ginawa ko

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon