Kabanata 9

74.5K 2.6K 4.6K
                                    

***







"L-libre mo ako."





Napalunok ako dahil sa bigla na lang lumabas sa bibig ko. Nakatitig lang ngayon sa akin si Zahira, siguro akala niya'y nagbibiro lang ako.





"Hindi na pala. Sige, bye." Agad na bawi ko saka babalik na sana ulit ako sa room kung saan ginaganap ang larong chess nang magsalita si Zahira.





"I'll treat you after your next game." Malamig na sambit niya.





"O-okay." Sabi ko na lang. "H-hindi ka ba babalik sa room?" Why the hell am I stuttering?






"Do you want me there?"






Muli akong napalunok. Ang sabi ko ay sanay na ako sa ugali niya, sa malalamig niyang titig, sa pagiging seryoso niya, at sa pagiging intimidating niya pero bakit ako naiintimidate ngayon at kinakabahan?





"O-of course—I mean, bigla ka kasi—"





"Okay, let's go."




Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay nauna na siyang bumalik sa room. Sumunod na lang din ako dahil magsisimula na naman ang susunod na laban. Iyon na siguro ang last at bukas naman ay maglalaban-laban ang mga natirang panalo ngayong araw.





"Hi, ate Ember? H'wag niyo po masyadong galingan." Nahihiyang sambit ng kalaban ko at ngumiti ito na tila kinakabahan.





Saglit akong natawa dahil doon. Siguro'y 1st year student itong kalaban ko ngayon. Ang cute niyang kabahan, seryoso talaga siya sa larong ito at gusto niyang manalo.





"Focus ka lang. Hindi naman ako magaling, ano ka ba?"






Napakamot siya sa ulo niya, nahihiyang ngumiti siya. "Tinalo niyo nga po si Kuya Aldrich, ate. Eh, sobrang galing po no'n, tinalo niya nga po iyong prof namin kaya ibig sabihin po mas magaling kayo kaysa sa kaniya."





Sa totoo lang ay hindi naman ako nahirapang kalabanin si Aldrich kanina, siguro nga talagang magaling siya pero hindi siya nagfofocus kanina sa mga galaw ko at puro lang siya kwento kaya siguro natalo.





"Naomi po pala pangalan ko, Ate Ember." Pakilala nito sa sarili.






"Paano mo pala nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong ko.






"Crush po kayo ng ibang mga kaklase ko. Lagi ka nga po nilang tinitignan sa canteen, hindi niyo lang po siguro napapansin." Kwento niya, "ate, prof niyo po si ma'am Zahira, 'di ba?" Dagdag na tanong nito kaya nawala ang focus ko sa kasalukuyang laro namin.





Kanina ay tungkol sa akin ang kwento niya, ngayon naman ay napunta kay Zahira. Huwag niyang sabihing crush din nila si Zahira? Well, hindi na ako magugulat doon, mas nakakagulat ngang ako ang crush ng mga kaklase niya lalo't hindi naman ako ganoon kakilala rito sa school—sa pagkakaalam ko.






"Crush ko po siya," kinikilig siyang ngumiti.





Hindi ko alam pero agad nagbago ang mood ko. Ni hindi ko na siya nginitian nang marinig ko iyong sinabi niya.





"Ang ganda niya po kasi. Siya pinakauna kong naging crush na babae. Normal po ba na magkacrush ang babae sa babae rin?"





"Hindi kaya itigil mo na pagkacrush mo kay Za—I mean, ma'am Zahira." Seryosong sambit ko.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon