Kabanata 11

76.4K 2.7K 4.1K
                                    

***








"Bakit mo ba kasi hinarang 'yang kamay mo sa pinto? Ano sa tingin mo 'yang kamay mo? Bakal?"




Inis kong binalutan ng benda ang kamay ni Zahira pero ingat na ingat pa rin ako dahil namamaga na ito. Wala naman siyang reaction, para ngang wala lang sa kaniya iyon. Kung ako siguro ay baka umiiyak pa rin ako hanggang ngayon dahil sa sakit.




Napatingin ako sa hawak kong kamay niya. Ang lambot ng mga palad niya, iyong tila kandila niyang mga daliri, ang hahaba, ang sarap hawakan—the fuck, Ember?




"Sigurado kang ayaw mong pumuntang hospital?" Tanong ko rito pero wala akong napalang sagot kaya tumingin na ako sa kaniya.





Napalunok ako dahil sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa. Zahira is just looking at me with those sleepy eyes.




"A-anong oras na ba?" Nauutal na tanong ko at agad nang tumayo dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya lalo na kung ganoon siya makatingin sa akin. Iyong mga mata niya, tila nang-aakit.





Tinignan ko na lang iyong wristwatch ko, it's already 9. Hindi pa kami kumakain dahil sa nangyari kanina, tapos ngayon ay binendahan ko pa ang kamay ni Zahira.




"G-gusto mo bang kumain na tayo?" Bakit ba ako nauutal? At bakit hindi kayang tignan si Zahira nang diretso?





Ano bang nangyayari sa 'yo, Ember?





"Akala ko ba hindi ka gutom?" Walang ganang tanong nito.




"Hindi nga—" naputol ang sinasabi ko nang biglang tumunog ang tiyan ko. Tangina!




"Tsk." Narinig ko si Zahira, nakita ko rin ang saglit niyang pagngisi at pagkatapos no'n ay tumayo na rin siya at pumunta sa kusina kaya sumunod na lang din ako.





Habang kumakain ako ay pansin kong nahihirapan siya sa paghiwa ng kinakain niya. At dahil nag-guilty ako at alam kong may kasalanan din ako ay tumayo ako at lumapit sa kaniya para ako na ang maghiwa sa chicken fillet niya.





Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi naman na siya umangal pa at hinayaan lang ako.





"Susubuan pa ba kita?" May pagkasarkastikong tanong ko matapos kong gawin iyon.





Nang mtapos kong hiwain lahat ay kinuha na niya ang tinidor, "thanks." Tipid na sambit niya, ni hindi man lang tumingin sa akin.




"'Kay." Hindi ko alam pero naiinis pa rin ako pero hindi ko maiwasang makaramdam ng awa dahil sa nangyari sa kamay niya. "Ako na ang magliligpit." Agad na sabi ko matapos naming kumain at kukunin na sana ang pinggan sa kaniya.





"I can do it, Ember." Pagmamatigas pa nito at iniwas sa akin ang hawak niyang pinggan.




Kaysa naman makipaghilahan pa ako sa pinggan ay hinyaan ko na lang. "Sige."





"September."





Aalis na sana ako sa kusina pero tinawag ako ng aking prof na sinlamig ng tiglimang pisong yelo. "Po?" Magalang pero hindi mawawala ang bakas na inis sa boses ko.





"Are you still mad at me?"





"Hindi nga ako sabi galit sa 'yo. Walang dahilan."





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon