Kabanata 15

88.4K 2.9K 3.6K
                                    

***








"Ate Ember, say ah."





Ito iyong oras na parang gusto ko na lang maging ibon, tamang lipad lang sa itaas. O hindi kaya ay maging dinosaur, tamang ror-ror lang.




"Please, Ate Ember." Zeirah said as she pouted.





Ilang segundo akong napapikit at pilit ngumiti dahil ayaw kong madisapoint sa akin si Zeirah. Bakit ba kasi ang cute niya at ang hirap niyang hindi-an?





"Say ah," pag-uulit niya.





Napatingin ako kay Zahira na siyang may hawak ng pagkain at siya ring magsusubo sa akin. She's holding the spoon while looking at me, parang nawawalan na ng pasensya. Kumusta naman ako? Anong laban ko sa dalawang magkapatid na 'to?





Nakakaiyak kasi ni wala man lang pwedeng tumulong sa akin ngayon, sa sitwasyon ko. Bakit ba kasi ako nag-inom kagabi? At bakit ba kasi binanggit pa ni Zahira ang hangover? Nacurious tuloy si Zeirah at heto, dahil daw masakit ang ulo ko ay susubuan nila ako. Pinunta na rin nila ang pagkain rito sa bed ko. Zeirah's on my left side pouting while looking at me with those pleading eyes. Si Zahira naman ay nasa right side ko, nakatutok na sa akin ang kutsarang may pagkain, walang kagana-ganang nakatingin sa akin, at hinihintay na ibuka ko ang bibig ko para masubo na niya sa akin ang hawak niya.






I exhaled deeply and opened my mouth, no choice dahil kanina pa silang dalawa rito, nakatingin sa akin. Nang maibuka ko ang bibig ko ay dahan-dahang sinubo ni Zahira sa akin ang kutsara kasabay ng pagpalakpak ni Zeirah, tuwang-tuwa.





"Yehey! One more, Ate Ember." She said while she's clapping her hands. Proud na proud dahil napilit niya ako.





"Ako na, baby. Hindi na masakit ang ulo ni Ate Ember, promise!" Tinaas ko pa ang isang kamay ko para maniwala na sa akin si Zeirah pero lumabi lang ito. Suko na ako.






Dahil hindi pumapayag si Zeirah ay wala akong ibang nagawa kundi magpasubo kay Zahira. Kada subo sa akin ay siyang pagpalakpak ng bata. Hindi naman halatang tuwang-tuwa siya, kabaliktaran ng ate niya.





"Don't move," malamig na sambit sa akin ni Zahira at maya't maya'y naramdaman ko ang pagpunas niya sa gilid ng labi ko using her thumb.





Ramdam na ramdam ko na ngayon ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan. Sa susunod ay hindi na talaga ako mag-iinom, hindi na ako sasama kila Peter sa ganoong klaseng lugar. Tangina, bakit ba kasi ako sumama?





"Ate Ember, let's sleep po sa kwarto ni Ate Zahi. Tabi po tayo, please? Please, Ate Ember?"






Siguro kung ibang bata lang ito at kung hindi lang siya ganito kacute ay kanina ko pa siya pinagsarhan ng pinto. Sino ba naman kasi ang makakatiis sa ganitong bata? Para siyang doll na de-baterya.





At dahil hindi ko magawang humindi ay hinayaan ko siyang hilain niya ako hanggang sa room ni Zahira. Nang makapasok kami ay parang gusto ko na lang ulit lumabas nang makita ko ang suot ng Ate niya.




Halatang katatapos lang nitong magshower. Nakaunderwear lang si Zahira at wala pang suot na bra, buti na lang at nakatalikod ito kaya hindi ko makikita ang hinaharap niya, pero iyong likod niya—tangina, kumalma ka, Ember, may ganiyan ka rin. Bakit ba kasi ang perfect ng baywang niya, iyong balakang niya, at—napalunok ako. And... and her butt—what the fuck, Ember?




Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon