Chapter Six

2.7K 34 8
                                    

We spent almost thirty-minutes on the road with just my favorite songs in the background. It's still awkward though; to be in a close space with a person you barely know.

I didn't talk, and he as well. But I can hear him singing. Hindi niya sinubukang kausapin ako dahil siguro'y alam niyang ayaw ko o hindi naman kaya ay wala rin siyang masabi kaya dinadaan niya na lang sa pagkanta.

Ni hindi ko nga alam kung saan kami kakain pero hindi na ako nagtanong hanggang sa huminto kami sa isang kilalang Italian restaurant.

"We're here," he said as if I didn't notice.

I unbuckled my seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan niya ako.

"Ako na," pagpigil niya sa akin at tinanggal ang seatbelt niya.

Nagsalubong ang kilay ko. Bumaba na siya pero imbis na sundin ko siya, binuksan ko ang pinto at nauna pa ako sa kaniya.

Taka niya akong tiningnan. "Sabi ko ako na, e."

"Kaya ko naman." Umirap ako.

He shook his head, the side of his lips rose. "Kulit."

I didn't argue with him anymore and started to walk. Binati kami no'ng guard at pinagbuksan ng glass door.

We were greeted by the cozy ambiance of the place that looks so neat and pleasing in the eyes. Hindi masakit sa mata ang ayos ng mga lamesa't upuan. Hindi makalat at masikip tingnan. It wasn't uncomfortable to look at the different parts of the restaurant where there were people eating.

We immediately had a table. I sat comfortably, still wandering my eyes around the place.

The place is also big and spacious. There are paintings and plants hanging on the wall, but I bet it's just artificial plants.

It's my first time to go here, so I took time eyeing the whole place. After roaming my eyes around, I looked at Jairus, and he's only looking at me.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Nothing," he answered immediately.

Nag-iwas siya ng tingin, saktong paglapit ng isang waiter para abutan kaming dalawa ng menu. Kinuha ko naman iyon at mabilis na sinuri ang mga pagkaing sine-serve nila.

I want to have pizza right now, but I stopped myself from ordering it because I'm on a strict diet. At seryoso na ako sa bagay na 'yon ngayon.

I don't like the salad that they are offering kaya sa huli ay pasta with meatballs na lang ang pinili ko. Sa isip ko ngayon ay tinatatak ko nang kailangan kong pumunta sa gym bukas.

Dalawang linggo na rin akong nag-skip kaya mas nagi-guilty ako ngayon!

Jairus had the same order as mine. Habang hinihintay ang pagkain ay tahimik lang kami kaya nagkunwari na lang akong abala sa phone ko kahit nag-i-scroll lang naman ako sa feed ko at wala naman akong makitang kung anong maganda sa mga nababasa ko.

Now I've realized that it's awkward, and people might think that we are stupid when they saw us; eating without talking tapos hindi pa ako tumitingin sa kaniya.

Sa isip siguro nila ay, "Ano ba 'tong dalawang 'to? Mukhang mga tanga!"

I really need to have a conversation with him, kahit simple o maikling usapan lang, huwag lang kaming magmukhang tangang dalawa rito.

I put my phone on the table. I sat properly and looked at him. Siya naman ngayon ang inililigid ang paningin sa paligid. I cleared my throat which made throw a short glance at me to check if I'm okay. Nang hindi ako magsalita o ano, siya naman ang nag-check ng phone niya.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now