Chapter Thirty

2.1K 29 2
                                    

I refused, of course. It's too early to talk about that. Ang dami ko pang plano. Ang matali agad sa kasal, tingin ko hindi makakatulong.

Tinawanan niya ako no’ng umiling ako. Binibiro niya lang daw ako. Hindi pa nga raw kami at nag-aalok na siya ng kasal. Mas mainam pa raw yatang itanong kung p’wede bang maging kami na. Hindi rin naman daw siya nagmamadali.

Days passed by quickly. It's already been a month since HG l opened. I didn't expect it to bloom in just a month, but luckily it has progressed since beauty products are currently in demand.

With the help of Jai, I was able to manage it. Bago ako sa pagbi-business pero dahil sa kaniya, gumagaan ang trabaho. Ayaw ko naman iasa sa kaniya ang lahat kaya ginagawa ko ang best ko para matutunan lahat.

While I'm away, ipinagpatuloy pala ni Jai ang mga plano namin para sa HG. Ang daming test na pinagdaanan dahil hindi p’wedeng basta-basta na lang. Hindi raw naging madali iyon, which made me more sorry about it. Ilang test ang nag-fail hanggang sa nakuha na nila nang magandang formula.

I have watched the production team and I can say that they are very hands on. I'm not encouraging them to do a lot of products since we don't know if it will stay in the market.

Ayaw kong pakasiguro na por que bumebenta ngayon ay bebenta pa rin sa mga sumusunod na araw pero sana nga, sana mag-bloom. Ayaw kong mapunta sa wala ang pinaghirapan ni Jai kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko para i-market ang HG.

I even tried the product so that I can showcase it on my social media platforms. So far wala pa namang nagiging allergic response and skin ko, and some of my friends tried it too. Puro magaganda naman ang feedback and I hope walang dumating na bad.

Malapit na ang graduation ni Reneil, hanggang ngayon iniisip ko kung anong magandang iregalo sa kaniya. Hindi sapat na um-attend lang ang maganda niyang ate, kailangan may pasabog na regalo rin!

I already took exam for law school. Naghihintay na lang ako ng result, hopefully makapasa ako. Now that no one’s gonna stop me anymore, bakit hindi ko kunin ang opportunity ‘di ba? Pero hindi ko na gagawin ‘to para patunayan ang sarili kay daddy. Gagawin ko ‘to dahil ito ang gusto ng puso ko.

Pero ipinapangako ko sa sarili ko, hinding-hindi ako magiging katulad ni daddy. I idolized him for being a respected attorney. I even praised him for being a good city mayor, but behind those titles is a killer.

Sa ngayon ayaw ko na muna siyang isipin, I don't even know kung gusto ko ba siyang makita. Galit ako sa kaniya. Galit ako sa mommy ko. She never cared about my brother.

Nagbabasa-basa ulit ako ng law books. Kung dati pasikreto ko lang kinukuha ang mga iyon sa library ni daddy, ngayon malaya na akong nakakapasok doon, at kahit sa loob pa ako magbasa.

Nagsalubong ang kilay ko nang may hindi maintindihan sa binabasa. Nawala lang doon ang atensyon ko nang may natanggap na tawag.

Ngumuso ako nang rumehistro doon ang pangalan ni Jai. Medyo nagtatampo kasi ako sa kaniya. Kahapon pa kasi ako nagke-crave sa seafood at sinabi ko sa kaniya. Hindi ko naman sinabing nagpapabili ako, sinabi ko lang. Pero ang sagot sa akin, bumili raw ako saka siya tumawa nang tumawa. Medyo nainis ako kaya pinatayan ko siya ng tawag. Mula kagabi hindi ko siya sinasagot.

Pinatay ko ulit ‘yon saka nag-turn off ng phone dahil ayaw ko na munang maistorbo.

Maya-maya dinalhan ako ni Reneil ng meryenda sa loob saka kinumusta. I appreciate him for always checking up on me. Simula no’ng kaming dalawa na lang, mas na-appreciate ko lalo ang kapatid ko. Tulad ko, hindi niya rin pinapakita sa aking mahina siya. Araw-araw binabati niya ako nang nakangiti sa umaga.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now