Chapter Twenty-four

1.6K 22 3
                                    

Two weeks . . . two weeks had passed, and ever since it happened, every night I wish to just disappear.

Araw-araw kaming nag-aaway ni daddy. Hindi ko makausap nang maayos si mommy. Gabi-gabi ko rin silang naririnig na nagtatalo kung sino ba ang dapat na sisihin sa nangyari.

I found out mommy cheated first all because dad lost time for her . . . for us. Kailanman hindi naging sapat na dahilan 'yon para magloko. There's no valid reason for cheating. In return, daddy doubted if Reneil was his son kaya simula nang dumating ang kapatid ko, doon na rin siya nagsimulang magloko.

Reneil is so much affected by what's happening. I wanted to console him, pero paano ko magagawa 'yon gayong maski sarili ko ay hindi ko alam kung paano ko aaluin?

Wala akong magawa kundi yakapin ang kapatid ko dahil maging siya, kinekwestyon niya ang sarili niya kung totoo nga ba talaga siyang anak ni daddy.

Gustong-gusto kong sabihin na oo, pero hindi ko magawa dahil hindi rin ako sigurado.

I asked mom so many times, pero para lang siyang tangang nakatingin sa malayo.

Today's Saturday. Walang pasok si Reneil. Mas gusto kong may pasok siya para hindi niya kailangan manatili sa miserable naming bahay.

I just want to protect my brother.

Kung ano man ang totoo, mananatili siyang kapatid ko. Buo, walang hati o ano man.

Itatakas ko siya pansamantala para makalimot sa magulong mundong ginagalawan naming dalawa.

"Let's go out, Ren. Where do you want to go?" I asked with a smile on my lips.

"I know what you're doing, ate." He sighed deeply.

Tumabi ako sa kaniya sa sofa. Halos magkasintangkad na yata kami ng kapatid ko kaya nagawa ko nang sumandal sa balikat niya.

"Nami-miss ko lang ang bonding nating dalawa," palusot ko.

"Pa'nong hindi mo mami-miss? Si Jairus ang lagi mong kasama."

"Kuya Jairus, Reneil. Mas matanda siya sa 'yo."

"Mas mahal mo na siya kaysa sa akin."

I looked at him and pinched both of his cheeks. "No, Reneil. I love you more than anyone in this world. Always remember that. Kaya saan mo gustong pumunta?"

"Museum. I like staring at art. I think that's my comfort," he said and stood up.

"Ayos lang ba kasama si-"

"See? That's what I'm saying, ate. Mas mahal mo na talaga siya."

Natatawa ko siyang binato ng unan galing sa couch. "Ang oa mo! I don't know how to drive, remember?"

That thought made me hurt even more. Daddy had no time to teach me how to drive. Madaling sabihin na sana nag-driving class na lang ako pero kasi inasahan ko ang gano'ng bond namin ni daddy because he told me tuturuan niya ako.

I hoped for nothing.

"Whatever, ate! Sige na, maliligo na ako," paalam niya sa akin.

Nakangiti akong tumango sa kaniya. Itatakas ko siya sandali kahit ang mismong mga magulang namin ay nauna na kaming tinakasan. Ang pinakamadaling irason para sa kanila ay papasok sa trabaho even though I know, they just want to escape too.

Who wants to stay in a house full of strangers, anyway? Hindi ko na rin makilala ang sarili kong mga magulang. Maging ang katauhan ni Reneil ay palaisipan na rin sa akin.

Kahit sa sarili ko . . . hindi ko na rin alam.

Kagabi ko pa nasabihan si Jai na gusto kong igala si Reneil kahit saan niya gustong pumunta. Ang balak ko kaming dalawa lang but he wants to be with us. Gusto niya raw maging driver naming dalawa. Gusto niya rin daw maka-bond si Reneil na parang bunso niyang kapatid.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now