Chapter Thirteen

1.8K 26 9
                                    

Left with no choice, I'm currently sitting in the passenger seat with Jai as the driver. Hindi nakakatakas sa pandinig ko ang mahihinang tawa ni Mil sa likuran. Gusto ko man siyang patigilin, baka mamaya'y isipin ni Jairus na masyado akong affected sa pang-aasar ng kaibigan ko.

Mabuti pa si Raya tahimik lang habang malayo ang tingin sa labas ng bintana. Feeling niya yata nasa music video siya. Sakto pa namang senti songs ang tumutugtog sa stereo ngayon.

Sinasabayan ngayon ni Mil ang kanta ni TJ Monterde na "Dating Tayo" at feel na feel niya naman. Dahil nga maganda ang boses niya, parang mas sumakit lalo ang mga linya ng kanta. Tagos na tagos sa puso. Akala mo tuloy brokenhearted siya kahit layag na layag naman ang lovelife niya.

"Tissue," biglang sabi ni Jai habang inaabot iyon kay Raya na hindi ko napansing umiiyak na pala.

"Hoy, girl! Anong problema? Bakit bigla ka namang umiiyak d'yan?" alalang tanong ni Mil habang inaalo siya.

"I still miss him . . ." She cried more.

My brows met. I know she's not pertaining to Zairus. Palagi silang magkasama kaya naman paano niyang mami-miss ang taong lagi niya namang nakikita? At base sa pag-iyak niya, alam kong nasasaktan siya. Kitang-kita 'yon sa kaniya.

"Teh, 'di ka pa lasing ha! Pa'no na lang kapag nalasing ka na?" biro ni Mil para siguro kahit papaano ay gumaan ang paligid.

I want to hug her, but I can't because I'm here in the shotgun seat. Gladly, Mil is doing it for me. Mabuti na lang pala ay inaya ko sila. Mukhang kailangan pala ni Raya ng kaibigan na dadamay sa kaniya ngayon.

Maybe that's the reason why she wants to get drunk. Ang hirap naman kasi sa babaeng 'to, hindi siya nagsasabi ng problema niya sa amin. Lagi niyang sinasarili ang lahat.

"Stop missing that bastard, Rai," Jai blurted out. "He hurt you. He left you six months ago. Para saan? 'Di ba para sa ibang babae? Please, move forward. Kalimutan mo na ang gagong 'yon. He doesn't deserve you . . . even a little."

I held Jai's arm to stop him from talking. His words might hurt her more. Wala naman siya sa sitwasyon ni Raya para sabihin niya ang mga salitang alam kong mahirap gawin sa parte ng babae.

"It's okay, Raya . . ." I smiled at her. "Cry all you want until you have no tears to cry."

Walang nagawa si Jai kundi bumuga ng malalim na hininga. Pinalitan niya na rin ang kanta ng mga upbeat songs. Tumigil na sa pag-iyak si Raya pero hanggang ngayon ay inaalo pa rin siya ni Milgrace. Akala mo nanay na nanundo ng kindergarten na anak tapos umiyak maghapon kasi iniwan, ang sabi bibili lang ng chuckie pero hapon na bumalik.

It seems like Jai knows Raya very well. Bakit nga naman hindi, 'di ba? Mag-ex sila kaya hindi na rin nakakapagtaka. It just feels good when someone knows you very well. In my case, that's Mil. Wala siyang hindi alam sa akin. Ultimo favorite design ko ng panty alam ng babaeng 'yan, e.

I just noticed while we were on our way to Raya's house, parang paunti nang paunti ang nakikita kong bahay. Papunta pa yatang dulo ng lupa ang tinatahak namin. At hindi nga ako nagkamali. Wala na akong makitang ibang bahay bukod sa nasa dulo at nasa mataas na bahagi na iyon ng lupain.

"That's my mom's house," Raya said suddenly. "But I live there alone."

My eyes widened. "Really, Raya?! Mag-isa?"

Ang laki-laki ng bahay. Mukha na ngang mansion, pero kaya pala walang kabuhay-buhay tingnan kahit maganda ang kulay ay dahil mag-isa lang siyang nandoon.

"Wala kang ibang kasama? Sure ka?" taking tanong din ni Mil.

Tumango siya bilang sagot saka naman naming narinig ang buntonghininga ng tanging lalaking kasama.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now