Chapter Twenty-two

1.8K 28 0
                                    

"Where have you been?"

I was startled when I saw dad on the living room, drinking alcohol while waiting for me. Hindi siya diretsong nakatingin sa akin pero alam kong masama ang timpla niya ngayon base sa kaniyang pagtatanong.

Before answering, I kissed his cheeks. "Sa mga Villaverde, dad. It's my friend's birthday. I thought you know na nando'n ako. Mommy didn't mention it to you?"

He shook his head and squinted his eyes a bit. "You smell beer. You drink?"

Sa puntong iyon ay nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. He knows I don't drink. Sa tuwing nakakainom ako ay sinisigurado kong hindi niya malalaman pero iba yata ang tadhana ko ngayong gabi.

"A b-bit, dad," I answered, stuttering.

"Napapadalas yata ang pagsama mo sa Villaverde na 'yon," aniya na siyang ikinagulat ko.

All I thought is that he's fine with it but now, mukhang hindi yata. Mukhang nagkamali ako sa iniisip kong tiwala siya sa nakakasama ko.

"May ginagawa lang po kaming importante, dad. I'm asking for his help," pagdadahilan ko na totoo rin naman.

Tumango siya, tinanggap ang sagot ko pero mukhang malalim pa rin ang iniisip niya. Ramdam kong meron pa siyang gustong sabihin kaya't naghintay ako.

"Go to your room and rest," he said, dismissing our talk.

Nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong hindi na siya mang-uusisa pa. I nodded at him and smiled a bit.

"Okay, dad. Goodnight."

Matapos magpaalam ay mabilis akong umakyat sa kwarto. Naaagaw ang sayang nadarama ko mula kanina nang magkasama kami ni Jai sa ekspresyong ibinibigay at salitang binitawan ni daddy. Naguguluhan ako.

Nang una silang magkita ay ayos lang naman si daddy sa kaniya. Nasundan pa nga iyon ng ilan pang mga beses at wala siyang sinasabi. Ngunit parang nag-iba yata ang ihip ng hangin?

Naligo ako saglit para mahimasmasan ang isip at mawala ang kaunting hilo. May pangamba sa puso ko. Malalim ang nasa isip ng aking ama at basang-basa ko 'yon; pagdududa. Hindi ko alam kung para saan.

Hanggang sa makatulog ay iyon lang ang laman ng isip ko. Nagising na lamang ako kinaumagahan sa isang marahang katok. Bumangon ako mula sa kama at siya namang pagpasok ni mommy sa kwarto ko.

"Good morning," she greeted and smiled sweetly at me.

We both have the same smile kaya nang ngumiti siya'y napangiti rin ako.

"Good morning, mommy," bati ko pabalik.

She went closer to me and sat on my bed. "How's yesterday? Nabanggit ng daddy mo na hinintay ka niya. Nakalimutan kong sabihing umalis ka. Alam mo na, tumatanda na rin ako." Mahinhin siyang tumawa.

Nanatili akong nakangiti sa kaniya saka bahagyang umiling. "Ayos lang, my. We talked din naman last night."

She caressed my cheeks gently and planted a soft kiss on it. "You've grown up into a fine lady. I'm lucky that He gave me a daughter like you. I may not be vocal about it but I truly am blessed to have you as my child. Thank you for guiding Reneil when sometimes, me and your dad weren't here to do that. We're not perfect parents and thank you for understanding that . . ." she trailed off to give me a bright smile. "I'm proud of you always, even in your little progress and in every achievement you have achieved. I love you so much, my princess."

Her words made me teary-eyed. Hindi ko alam kung anong meron at bakit ganito ang mga salita ni Mommy. Pero sobrang natutuwa ang puso kong marinig ang mga 'yon.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now