Chapter Twelve

2K 30 10
                                    


It's been a month since that day happened, but his lines kept on bugging me every f*cking day. Sirang plaka na paulit-ulit 'yon sa isip ko. Minsan nga iniisip ko na baka nababaliw na ako, e. 'Di ko alam kung bakit naging ganoon ang epekto sa akin ng mga sinabi niya. Hindi naman ako marupok pagdating sa mga banat pero ang sa kaniya ay iba.

Natameme na lang din ako pagkatapos niyang sabihin ang huling linya niya. Napansin niya naman iyon kaya natawa siya at sinabing biro lang daw at sinagot ang totoong presyo. Doon ako lalong natahimik dahil nakakalula.

Hindi pa nakakatulong na madalas kaming magkasama dahil nga nagpapatulong ako sa kaniya. Parang lagi niya akong inaasar at ako naman 'tong pikon. Wala rin naman siyang magawa kundi suyuin ako dahil kung hindi ay wala na siyang makikitang maganda. Sayang naman din!

We've been taking care of the business that I'm planning, and it keeps me busy almost every day. We're gathering information about it and made sure it is right. Mahirap nang magkamali. Hindi bale nang matagal basta sigurado sa ginagawa.

It wasn't easy but I'm doing my best to understand everything. Hindi talaga siya gano'n kadali. I'm risking and there's a fear to me that I might fail. Hindi naman talaga mawawala ang takot sa mga bagay na nais mong subukang gawin. Palaging may takot pero dapat handa ka ring harapin iyon.

Halos araw-araw akong umaalis at alam kong napapansin na 'yon ng mga kasama ko sa bahay pero hindi ko sila mabigyan ng matino at totoong sagot. Gusto kong may mapatunayan pero hangga't wala pa akong nagagawa, hindi ko muna sasabihin. Ayaw kong magkaroon agad sila ng expectations. Mape-pressure lang ako and worst, baka pagurin ko ang sarili ko at maubos ako. Mas nakakatakot ang bagay na 'yon.

"You're free today?" tanong sa akin ni Jai matapos kong sagutin ang tawag niya.

Nakadalawang missed call na nga siya bago ko masagot dahil kagigising ko lang. Napuyat ako hindi dahil sa panonood ng kdrama. It's not the reason anymore for staying late at night. Dahil na 'yon sa pagri-research maghapon hanggang magdamag.

I've been searching about how Japan makes their skin care products because they're good at it.

"I'm still sleepy," I answered him, kahit parang hindi naman nasagot no'n ang tanong niya.

"It's already twelve. Kagigising mo lang?" Narinig ko ang pagbuntonghininga niya mula sa kabilang linya. "Nagising ba kita? I'm sorry," aniya sa marahang boses.

Boses na parang nanghehele. Para bang gusto akong ibalik no'n sa pagtulog.

Natawa na lang ako bigla. "Ba't ka naman nagso-sorry? Buti nga tumawag ka at nagising ako. Alas dose na pala, masyado nang mahaba ang itinulog ko."

"Nagpuyat ka na naman? You're stressing yourself too much. Don't be too hard on yourself. Matatapos din tayo," wika niya.

Tayo . . . kaming dalawa. Kahit akin lang naman 'to at ako lang dapat ang gumagawa ng lahat, hindi niya ako pinapabayaan. Hindi ako mag-isa. Nandiyan siya para tulungan ako kaya kahit papaano ay napapanatag ang loob ko.

Somehow, he knows how to lighten the heaviness of all. Hindi masyadong mabigat kasi pinapagaan niya.

Funny how irritated I am to him at first but now I'm thankful to his presence, kahit madalas ay iniinis niya ako. Unti-unti ay nakukuha niya ang tiwala ko at napapatunayan niya na sa aking mali kung ano ang iniisip ko sa kaniya no'ng una. Hindi siya kaparehas ng mga kapatid niya. Malayo ang mga katangian nila sa isa't isa.

Ibang-iba si Jai sa dalawa.

"Can't help it," I chuckled. "At least something is keeping me busy saka nag-e-enjoy rin ako sa ginagawa ko. Ang dami kong natututunan."

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now