Chapter Twenty-six

1.7K 17 0
                                    

Forlorn . . .

I was left with no choice but to go with my father. It's been a week of feeling like I'm imprisoned. Sa malaking bahay na kinaroroonan, ramdam na ramdam ko ang pag-iisa.

Isinama ako rito pero makalipas lang ang tatlong araw, iniwan niya rin ako. Wala rin naman kaming ibang ginawa kundi magtalo nang magtalo.

Kinamumuhian ko ang sarili kong ama na minsan kong hinangaan. I also hate my mom so much. If it's not because of her, this will never happen.

Ang kapatid ko . . . gustong-gusto kong yakapin ang kapatid ko.

Good thing that daddy didn't take my phone away from me. Nagagawa ko pa rin siyang makumusta. Kahit sinasabi niyang ayos lang siya, hindi ako mapanatag.

Hindi rin naman umuuwi si daddy sa kanila. Si mommy lang ang kasama niya sa bahay na hindi niya rin naman daw makausap dahil laging tulala.

Kung meron mang lubos na naaapektuhan sa amin, ang kapatid ko 'yon. He spent his sixteen years living in a lie. My mom was the very reason behind of it. Kahit galit na galit ako kay daddy, biktima rin siya ng isang kasinungalingan.

My parents are both at fault. Sila lang at wala nang iba pang dapat sisihin. Parehas silang nagkamali. Ngayon kaming dalawa ng kapatid ko ang nagdurusa sa mga kasalanan nila.

Daddy . . .

Kahit mahal ko siya, hindi ako bulag para magpikit-mata at magbingi-bingihan sa mga nagawa niya. Dapat siyang makulong.

How funny he's a criminal lawyer back then before he became the city mayor. 'Yon pala'y isa rin siyang kriminal.

Binantaan niya akong oras na umalis ako rito, talagang ipapahamak ko si Jai kaya lalo akong walang nagawa kundi ang manatili rito kahit mag-isa.

I miss him so much. Walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko. Sa tuwing wala akong ginagawa, tulala, o kahit pa habang naghuhugas ako ng plato o nagluluto, lagi ko siyang naiisip.

Kung kailan hindi na kami p'wede, doon ko pa naisipan i-accept ang friend request niya sa aking matagal nang nakatengga. Napapangiti na lang ako sa tuwing maaalala na halos araw-araw niya akong kinukulit tungkol sa bagay na 'yon.

Siguro iniisip niya ngayon na nang-aasar ako.

Lagi pa rin siyang nagme-message. Lagi siyang nangungulit. Lagi siyang tumatawag pero hindi ko sinasagot. Laging laman ng mensahe niya kung gaano niya ako ka-miss. Gusto ko mang sabihin pabalik, alam naman naming dalawa na ako ang sumuko.

Hindi ko siya kayang ipaglaban kasi takot ako.

Isang bagay na ipinamukha sa akin ni daddy. Hindi nga ako puwede maging abogado dahil hindi ko kaya. Duwag ako.

Walang gabing hindi ako umiyak dahil sa mga bagay na napagtanto ko habang mag-isa ako rito.

Ang lakas ng loob kong mangarap, wala naman pala akong kakayanan. Hanggang dito lang ako.

Lahat ng pangarap ko gumuho kasi hindi ko kaya. Wala na lahat. Lahat ng plano ko hindi ko na alam kung kaya ko ba talagang gawin dahil baka masyado lang mataas ang tingin ko sa sarili ko sa pag-aakalang lahat kaya ko at magagawa ko.

Totoo ngang ang yabang ko, wala naman akong ipagyayabang.

Higit isang linggo pa lang ako sa France nang maka-receive ng tawag mula kay Mil na hinahanap kung nasaan ako.

Doon ko lang naalala na hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanila.

Kahit hindi sabihin ng kaibigan ko, dinig ko sa boses niyang wasak din siya tulad ko. Daddy forbid me from going home but I guess wala naman sigurong magiging problema sa kaniya kung dito ko muna patutuluyin ang mga kaibigan kong dinamayan yata ako sa pagiging malungkot sa buhay.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now