Chapter Thirty-three

1.8K 25 7
                                    

I hate my mother.

Hindi niya na kami nirespeto ni Reneil. The audacity to post something without thinking of what would we feel. She's so selfish and insensitive. She could've unfriended us or blocked us but she chose not to. Para saan? Para ipakitang ayos at masaya siya? I didn't know she loves teasing. Ang lakas niyang mang-asar sa ginawa niyang 'yon.

I hate to see my brother crying because he's hurt. Wala siyang tigil sa pag-iyak habang yakap ko siya nang mahigpit no'ng araw na 'yon.

Galit ako. Galit na galit ako sa kaniya.

Galit ako sa mga kaibigan niyang may alam pero nagsinungaling sa akin. May kapal pa sila ng mukhang mag-comment sa post ni mommy at sabihing masaya sila para sa kaniya. Nanggagalaiti ako no'ng araw na 'yon at nagawa ko pang mag-iwan ng komento at napakahabang mensahe sa ina. Inilabas ko lahat ng galit at sama ng loob na meron ako sa kaniya. There were some hurtful words, but she deserves it. Kung hindi ko sasabihin ang mga 'yon, baka hindi niya pa ma-realize kung saan banda siya nagkamali.

Wala nga bang mali sa pagmamahal? Meron. Love can make you do wrong things. Love sometimes can make people go blind. Alam nilang mali pero nagbubulag-bulagan at nagbibigi-bingihan. Kaya kang gawing tanga ng pag-ibig. It is wrong to have an affair but mom and dad both did it. For what? To seek revenge on each other? Hindi niya naisip na kami ang lubos na maaapektuhan.

That's it. Mahirap man pero mas pinili ko na lang na kalimutan sila sa paglipas ng panahon. What my parents did is worse than a break up. Ang hirap maka-move on sa mga ginawa nila sa amin ng kapatid ko.

My mom replied, of course.

She apologized at sana raw maging masaya na lang kami para sa kaniya. Lahat daw ng nangyari ay hindi niya ginusto o hindi niya snasadya. Who would believe on that reason? They are also expecting a baby, no'ng nagmessage siya sa akin. Matagal na ang relasyon nila ni Kuya Ben pero hindi raw siya ang tatay ni Reneil. I wanted to ask who at gaano ba karami ang naging lalaki niya pero hindi ko na ginawa. I did not reply, sa kagustuhan na rin ni Reneil.

Ayaw niya na raw makarinig ng kung ano pa tungkol sa pabaya naming ina. I respected him. Ako na rin mismo ang gumawa sa hindi nagawa ni mommy. I blocked her in all of my social media accounts. Ayaw ko na rin maging updated sa mga nangyayari sa kaniya.

That was almost two years by now. Sa ngayon, masaya at magaan naman ang buhay namin ni Reneil nang wala sila. We never visited dad, hindi ko kakayanin.

Law school is never easy. I'm on my third year at habang patagal nang patagal, mas nahihirapan ako pero wala na sa vocabulary ko ang salitang pagsuko. Ang layo ko na, wala akong balak sayangin ang mga paghihirap at iniyak ko sa mga nagdaang taon.

Mas nagiging abala ako sa school. Nawawalan na ako minsan ng oras para kay Jai but he's so consistent magmula noong una hanggang ngayon. Lagi niya pa rin akong iniintindi kahit may mga pagkakataon na nasusungitan at halos masigawan ko na siya.

I immediately feel guilty lalo na sa tuwing makikita ko na parang nasasaktan ko na siya pero minsan ay nagmamatigas ako. Kailangan niya akong intindihin dahil pursigido ako sa mga ginagawa ko. Kailangan niyang maintindihan na ang ginagawa ko ay para sa pangarap at kinabukasan namin ng kapatid ko.

Sometimes, I can go in a day without talking or messaging him. Siya talaga ang laging nauuna pero kuntento na rin siya sa napaikli kong reply. Minsan sinusundo niya ako kahit gabi na ang labas ko sa school dahil night shift ang schedule ko, kailangan ko kasing i-manage sa umaga ang HG.

My business is at peak of being one of the successful beauty products. May mga artista na ring gumagamit nito at ine-endorse pa sa kanilang social media accounts, some were for free because they insisted. Nakakahiya man pero napakalaking tulong sa akin.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now