Chapter Thirty-six

1.8K 23 9
                                    

Jai and I lost communication after some time and I’ll lie if I say that I don’t miss him. I miss him every damn time whenever I have a time to think about him, o ‘di kaya ay kahit may ginagawa pa ako, basta na lang siyang sumasagi sa isip ko. I don't know what happened, basta isang araw nagising na lang ako na wala na akong natatanggap na kahit anong mensahe mula sa kaniya.

I’m busy and it feels illegal to be sad when I have a lot on my iron. I already started my internship. Naalala ko ‘yong may-ari ng coffee shop kung saan kami madalas noon ni Jai. Hinanap ko talaga siya at sa kaniya ako nag-apply.

I learned a lot from him. Ang dami niyang binibigay na advice sa akin kaya marami akong natutunan mula sa kaniya. There is also one time na isinama niya ako sa isang trial court at napanood ko kung paano niya ipinaglaban ang kliyente niya.

He won and it was so satisfying kaya lalo akong na-i-inspire na  magpatuloy kahit pa alam kong mahirap na profession ang pagiging abogado. Madalas na malaki ang patong sa ulo lalo na kung mayaman ang magiging kalaban mo. Nakakatakot pero ito na ang mundong pinili kong pasukin.

Reneil recovered and he’s already better now. Normal na ulit ang nararamdaman niya. Madalas din siyang bisitahin ni mommy pero tulad ng sinabi ko noon, walang problema basta para sa ikasasaya ng kapatid ko. Nasanay na lang din akong nakikita siya pati na rin ang anak niyang pinangalana niyang Neilbert Jon.

Kilala na rin ni Reneil kung sino ang tunay niyang ama but he haven’t seen it in person dahil naka-base na ito sa US at may sarili na ring pamilya. It was one of my mom’s regular customer in her flower shop before. Lagi raw itong bumibili ng bulaklak para sa ina nito hanggang sa doon na nagsimula ang lahat.

I can’t help but frown whenever Reneil will tell me about my mom’s affair before. Talagang proud pa siya.

Just like my usual days in law firm, wala kaming masyadong ginagawa. Kapag busy ang mga attorney, most of the time kami ang nagpi-print o nag-aayos ng files. Madalas hinahayaan din nila kaming basahin ang mga previous cases o kahit ang mga bago then they will love to hear what we say about it. Gusto rin nilang naririnig ang mga opinion namin regarding about the cases they have at nakakatuwa ‘yon para sa amin.

Pero minsan talaga ay wala kaming ginagawa at nakaupo lang kami sa isang tabi at naghihintay na tawagin nila, kaya heto ako ngayon at abala sa pang-i-stalk kay Jai kahit na paulit-ulit na lang din naman ang nakikita ko.

Nakakatawa na kung kailan lang kami nawalan ng contact sa isa’t isa, doon ko lang naisipan na i-accept ang friend request niya at i-approve ang pag-follow niya sa akin sa IG na matagal niya nang kinukulit sa akin. Kahit kasi noong nag-uusap na kami ay hindi ko pa rin ina-approve ang mga ‘yon at ngayong hindi na kami na-uusap, doon ko lang ginawa.

“Ini-stalk mo na naman, paano ka makaka-move on niyan?” sabi ni Nina na biglang sumulpot sa likuran ko. “Hindi pa ba malinaw sa ‘yo na may girlfriend na siya ngayon?”

I smiled bitterly. I am not sure if it was his girlfriend but the last three post in his timeline posted a year ago was a tagged photos from a girl named Krisma. There’s nothing special in the photos dahil may iba naman silang kasama pero kapansin-pansin na lagi silang magkatabi. Nakangiti lang naman si Jai sa mga picture at gano’n din ang babae pero hindi ko mapigilang magselos.

Pero siguro sila na nga kasi hindi niya na ako naaalala. Kung gano’n man, masaya pa rin ako sa kaniya dahil alam kong naaabot niya na ang mga pangarap niya, hindi nga lang ako ang kasama niya.

“Kasama niya lang siguro sa trabaho, Nina,” sagot ko.

“Hanggang kailan mo papaniwalain ang sarili mo na katrabaho niya lang ‘yan? Isang taon na, girl. Hindi na nga siya nagpaparamdam sa ‘yo oh. Maniwala ka sa akin, kung hindi man sila no’ng mga panahon na ‘yan, baka ngayon sila na,” sabi pa niya.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now