Chapter Eight

2.2K 27 4
                                    

"Bakit mo kasi kinindatan 'yong kapatid ko?"

Natakpan ko ng unan ang mukha ko nang maalala 'yong sinabi niya kagabi. Gusto kong kurutin ang sarili ko sa tuwing maaalala ko 'yon.

Kahit ako naman, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. I never wanted to embarrass myself, pero minsan kasi makakagawa ka na lang ng mga bagay na nakakahiya at saka mo lang 'yon mare-realize kapag tapos na.

Sino ba naman ang may gustong hiyain ang sarili, 'di ba?

Paano ko rin makakalimutan iyon kung lumabas na ang ilang pictures sa internet bilang highlight sa pag-uumpisa ng La Grâce rito sa Pilipinas?

They captured the time that I winked! Mabuti na lang at hindi ako pangit doon. Kung hindi ay mas doble o baka triple pa nga ang nararamdaman kong hiya sa sarili ngayon.

"I didn't wink at your brother, Jai," I defended myself.

"You did." This time, he has a smile on his lips. The cold of him I met earlier was totally gone. "But that's okay. Puwede naman kasing sa akin na lang, bakit sa kaniya pa? Lagot ka kay Raya. Balita ko, may mga manika siya sa bahay niya."

I laughed. Maybe because the thought of Raya stitching a doll crossed my mind. Well, looking at her, she kinda looks like a witch.

Pero, I've decided to be nice to her starting tonight.

Maybe I'm just exaggerating things sometimes, and I chose not to see the good in her. Siya rin naman kasi ay gano'n, gumaganti lang naman ako.

"Isumbong kaya kita?" pananakot ko sa kaniya saka lumingon sa babaeng tinutukoy.

Abala siya masyado sa pakikipag-usap kay Zairus. Bahagyang nangunot ang noo ko. 'Di ko alam na nag-uusap pala sila. Minsan kasi, kapag nakikita ko silang magkasama, para silang mga robot. Hindi nag-uusap, basta magkasama lang sila.

"Sumbong mo. 'Di naman siya magagalit sa akin." Tumawa siya. "Pero bakit mo nga pala ako tinawag kanina?"

"Ewan ko. Nakalimutan ko na kung bakit," pagsisinungaling ko.

Hindi ko na nasabi sa kaniya kagabi kung bakit ko siya tinawag. Nag-aalangan na rin talaga akong sabihin kasi baka wala naman talaga siyang alam. Pero magbabaka sakali lang naman ako na baka meron.

Kaya ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Buo na ang loob kong mag-umpisa ng negosyo upang may pagtuunan naman ako ng pansin kaysa namomroblema ako rito sa kuwarto ko kung ano ang gagawin ko.

I earn money but that's not enough. I have plans to live independently, kaya kapag nagkataon, hindi magkakasya sa akin ang kinikita ko sa pagmomodelo lalo na't maluho ako.

Aminado naman akong marami akong kapritso, pero sariling pera ko naman ang gamit ko.

Hindi na ako humihingi sa mga magulang ko, pero minsan hindi ko maiwasang mahiya na hanggang ngayon, pinapakain nila ako.

Mostly at night, why I really prefer watching Kdramas until I fall asleep is because I avoid overthinking, because when I do, it would be too much that it wouldn't put me to sleep.

Hindi ako patutulugin ng pag-iisip ko.

I often overthink of what my future could be. Kung may magandang hinaharap nga ba akong naghihintay sa akin, o mananatili akong ganito.

Mula noon, hanggang ngayon, pressured na pressured ako dahil sa tingin ko ay wala pa talaga akong napapatunayan.

Isa lang naman talaga ang bagay na sigurado akong gusto ko, pero parang hindi para sa akin.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now