Chapter Twenty-three

1.6K 24 2
                                    

I froze on my seat, confusion started to rise. I don't know how I am going to react while watching them enter the coffee shop.

Nasa bungad lang kami at isang lingon lang ni Daddy ay makikita niya ako pero dahil masyado siyang abala sa kausap ay hindi niya ako nalingunan hanggang sa umabot sila sa counter.

I can't take my eyes off them as the girl put her head on my dad's shoulder and giggled. Walang pakialam kahit maraming mata ang pwedeng makakita.

Anong klaseng pag-iisip meron si daddy? Did he forget that he's the mayor of this city?  They all know he's a man with a family. Bakit ngayon lang ito nalaman? Matagal niya na ba 'tong ginagawa? Bakit walang nakakarating sa akin gayong pinangangalandakan niya naman ito sa harap nang maraming tao.

He's cheating on my mom and there's no way I will tolerate him. Sasabihin ko ito kay mommy. I immediately took my phone and captured a photo of them.

"Ky?" Jai called my attention which made me look at him. "What are you doing?"

He looked where I was staring earlier. His eyes widen. Mapait akong ngumiti. Bakit ko pa itatago sa kaniya kung alam na rin naman yata ng buong sambayanan?

"Your dad," he said like I didn't know my own father.

"Uwi na tayo, Jai," nawawalan ng gana kong sabi.

Tumingin siya sa akin nang malungkot na para bang sinasalamin din ng mga mata niya ang mga mata ko.

"Hindi mo ba siya kakausapin?" tanong niya.

"Alam mong kapag tinanong ko siya, magsisinungaling lang siya. Sapat na ang nakita ko para maniwala sa sinasabi ng utak ko, Jai," sagot ko. "Umuwi na lang tayo. Mas gusto kong makausap ang mommy kaysa sa kaniya."

Tumango siya at inayos ang mga gamit niya. Tumayo na ako at muling sumulyap kay daddy na hindi man lang napansin ang anak.

Alam niyang madalas ako rito dahil minsan niya na akong tinanong. Is this one of his ways of letting me know he has an affair?

Hindi ko maintindihan. I know something changed with him and mommy's relationship but I didn't think of this. Hindi umabot sa puntong ganito ang iniisip ko tungkol sa kanila. Ang akala ko'y nawala lang ang sweetness dahil abala at tumatanda na. Hindi ko naisip na pwede rin pala ang rason na nawalan na ng pagmamahal at nakahanap na ng iba.

That thought feared me. Nakakatakot magmahal. Nakakatakot sumubok. Nakakatakot sumugal.

Jai drove me home silently. Pinapakiramdaman niya lang din ako. As long as I still want to be with him, hindi ko rin siya ma-e-entertain at baka manahimik lang ako. Ayokong maramdaman niya magkasama kami pero parang wala ako.

I need to deal with this with my family. Hindi siya kasali rito, at ayaw ko na siyang idamay pa.

"Thank you, Jai," I said and looked at him when he stopped the car. "I'm sorry we needed to go home early. Totoong na-miss kita pero kailangan ko munang mag-isip at ayusin 'to. Maybe we won't see each other for the meantime. I need to talk to my mom. She needs to know . . ."

He smiled at me. "I understand, Ky. If you want someone to talk to, h'wag mong kalilimutan na nandito ako, makikinig ako sa 'yo. Kapag kailangan mo ng kasama, tawagan mo lang ako at darating ako. Sasamahan kita kahit abutin pa tayo ng umaga."

Malungkot akong ngumiti at lumapit para yakapin siya. "Thank you for being there."

"I love you," he whispered truthfully.

I wanted to respond pero mas mabuti kung hindi na muna. Natatakot ako. Natatakot ako sa maraming bagay.

I badly needed a hug at mabuti na lang na nandiyan siya para ibigay sa 'kin 'yon. He gave me the comfort that I needed. Between his arms, I felt safe and and protected.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now