Chapter Twenty

1.8K 24 9
                                    

"Halika na kasi," pamimilit sa akin ni Jai na lumabas ng kotse niya.

"Ayaw ko nga, e!" maarte at parang bata kong sabi.

Ngumuso siya.

We're currently here outside their house. He wants to formally introduce me to his family, and I am really nervous! Hindi ako nag-iinarte dahil ayaw ko. Umaarte ako dahil kinakabahan ako.

"Please, Ky . . ." he pleaded softly.

I swear, when his voice is like that, nanghihina na lang talaga ako sa lambot at lambing ng pananalita niya. It is as if I don't have any choice but to say yes to him.

"Jai, they already know me," I said.

Kagaya nang nakagawian niya tuwing namomroblema man o tuwing kinakabahan, kinamot niya ang kilay niya.

"Si Kyky naman, e," aniya, mas bata pa kung paano ako umasta ngayon.

Tinawanan ko siya dahilan para samaan niya ako ng tingin. Kahit pa sinabi niyang nasa loob din sina Mil at Raya ay hindi niya ako mapilit-pilit. Of course, my friends will be there because they are already part of the family. Eh ako? We don't even have a label yet.

All I know is he's courting me, at ang sabi niya sa akin ay hayaan ko lang daw siya. Hindi niya ako pine-pressure na sagutin ko siya agad even though we clearly both know that we like each other. He wants me to let him prove himself, hanggang sa mapatunayan niya na talaga ang sarili niya sa akin, that his intentions will always be pure.

I sighed. Dinadaga pa rin ng kaba ang sistema. I looked at their extravagant house. Buhay na buhay ang itsura ng bahay nila kahit palaisipan kung nagagawa pa bang magkita ng mga tao sa loob no'n sa laki nito.

I looked at him and nodded hesitantly. "Sige na nga . . ."

Tinitigan niya ako. "Ayaw mo ba talaga?" marahan niyang tanong. "Kung ayaw mo talaga, hindi na kita pipilitin. Let's just go somewhere and spend the day together."

I watched him. Binabasa ko ang reaksyon niya. Although I can see na may panghihinayang sa mukha niya, he wants to make me feel comfortable kaya sinabi niyang sa ibang lugar na lang kami magpalipas ng araw.

Kinagat ko ang labi ko. Kinakabahan kasi talaga akong makaharap ang pamilya niya nang pormal kahit nakilala ko naman na ang mga ito na mababait.

Papayag na sana ako nang bigla na lang may kumatok sa bintana sa gilid niya. Bumungad sa amin ni Mil na malawak ngayon ang ngiti.

"Aba, Jai! Ang aga-aga mong nawala! Eh kaya naman pala dahil sinundo mo 'yang 'di kagandahan kong friend!" sigaw niya sa amin.

"Nahiya naman ako sa mukha mo!" asik ko sa kaniya.

"Sorry, ah? At least na-inlove sa 'kin si Cai," asar niya pa.

"In love din naman ako sa kaniya, Mil," bawi sa kaniya ni Jai na siyang nagpatahimik sa kaibigan.

She looked at us and slowly squinted her eyes a little. "Hindi naman kayo bagay!"

"What are you doing there, babe?" Cai went out of the gate.

He held her waist and I saw how gentle he is with her. I can see she's being taken care of the way she deserves, at hindi ko 'to sinasabi nang dahil lang sa nakikita ko ngayon. Alam kong inaalagaan ni Cai nang mabuti ang kaibigan ko dahil sa sayang nakikita ko sa mukha niya.

"Wala, pinapapasok ko lang sila. Sila na lang kasi hinihintay, e."

Kami na lang hinihintay? Bakit? Anong meron?

Engagement party ba nina Raya at Zai? Or Mil and Cai are already engaged or having a baby? Ano? Anong meron?

I looked at Jai with a puzzled look but he just shrugged at me. I automatically rolled my eyes because of his response.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now