Chapter Ten

2.4K 29 14
                                    

Thinking about that day again, pakiramdam ko parang wala ako sa sarili dahil hindi ko yata na-process sa utak ko lahat ng nangyari no'ng araw na 'yon.

Like how Jai called me love . . . how he looked at Luther . . . why doesn't he want me to message my own friend? Lastly, why it seemed like I don't want our conversation to end na para bang may hinihintay pa ako kahit wala naman dapat.

Ewan ko ba at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan. Kahit yata ako hindi ko kilala ang sarili ko, e.

Perhaps, I just don't know how I will reply to his remarks, and I also don't know how I will act on his actions. Siguro hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko.

It's been a while since I let a man that close to me, except to my guy friends. Sobrang tagal na at hindi ko na matandaan kung kailan ba ang huli lalo na at hindi ko rin masyadong kilala. Siya lang talaga ulit.

Frustrated ako ngayon pero mukhang mas frustrated si Mil habang nagkekwento sa amin ni Raya tungkol na naman kay Cai. As usual, ano pa nga bang bago? Laman at laman naman siya palagi ng mga kwento ni Mil.

Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, matagal ko na siyang sinupalpal sa sobrang rindi ko. Kahit nga noong nasa ibang bansa siya, wala pa ring tigil ang pagbanggit niya sa lalaking 'yon.

Ang malala pa, gusto niya pa akong gawing spy para malaman ang nangyayari sa buhay ng kumag. Eh, hindi naman gano'n ang ugali ko.

Mamaya'y kasuhan pa ako ni Cai kapag nahuli niya akong kumukuha ng pictures niya o kaya ay video.

Buti na lang hindi pa ako hibang para sundin ang kaibigan ko.

"Bilis mong manghusga, 'no?" angil ko sa kaniya pero nakatanggap lang ako sa kaniya ng irap.

"Coming from you, Ky!"

Ngumuso ako. Aminado naman ako pero hindi ko naman sinasadya minsan.

No matter how hard we try not to judge other people, we still do it unconsciously. Kahit ano pang pagpapanggap ang gawin natin, nanghuhusga pa rin naman tayo ng ibang tao. Kahit anong pigil o bawal pa sa sarili dahil alam naman nating mali 'yon, hindi pa rin naman natin mapigilan ang sarili natin minsan.

Madali lang magmalinis, pero mahirap patunayan.

"Oras-oras na lang kayong nagbabangayan," banat ni Raya habang prenteng nakahiga sa kama ko.

Ngumiwi lang kami sa kaniya. Medyo nasasanay na yata kung paano kami ni Mil sa isa't isa. I'm also trying to hang out with her kahit wala si Mil. If we really want to be friends, we should try until we click.

Nothing will happen if we won't try, right?

Back with Mil, pilit pa rin niyang tinatago ang kilig niya na nag-kiss silang dalawa ni Cai sa office niya. Pero nagpapakipot pa rin naman siya kahit feel kong gustong-gusto niya nang bumalik. Dapat lang na magpakipot muna siya, 'no! Kung hindi, baka talagang itakwil ko na siya at si Raya na lang ang gawin kong friend.

"Let's just watch a movie," I suggested.

"Sige, kayo na lang pumili. May ime-message lang ako," si Mil habang kinakalikot ang cellphone niya.

Tumabi ako kay Raya habang siya naman ang abala sa paghahanap ng p'wedeng panoorin sa Netflix. Kung ako papipiliin, malamang law theme movie ang pipiliin ko. But I don't know if they're into those kinds of movies. Hindi ko alam kung ano ang hilig nila.

Siguro si Mil, something about a lead who is a hopeless romantic . . .

Nag-uusap lang kaming dalawa ni Raya nang biglang magreklamo si Milgrace na English daw kami nang English kaya natawa na lang kami sa kaniya.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now