Chapter Twenty-seven

2.2K 28 1
                                    

"By any instance, do you know where Kylei is? Tito Cain told me you were with Milgrace, kaya umaasa ako na baka kasama n'yo rin siya. Please be honest with me, Rai. Kasama n'yo ba siya?" Jai asked from the other line.

Naka-loudspeaker siya kaya rinig ko ang pag-uusap nila.

I missed his voice. Sobrang miss na miss ko na.

Tumingin sa akin si Raya. I shook my head. Ayaw kong malaman niya kung nasaan ako dahil alam kong susundan niya ako. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayaw ko siyang makita.

Sa dagat ng mga tao, siya lang ang nag-iisang hinahanap ko.

Sa tuwing lumalabas kami nina Raya at Mil, may parte sa aking umaasa na makikita ko siya sa kumpol ng mga tao, o 'di naman kaya ay makakasalubong ko, o sa paglingon ko'y makikita ko siya sa isang sulok at hinahanap din ang mga mata ko.

Pero may parte rin sa akin na sana huwag. Sana hindi niya ako hinahanap. Sana hindi niya ako sundan, dahil alam kong ikapapahamak niya sa oras na magtagpo ulit kaming dalawa.

"I'm sorry, Jai. I don't know where she is. We lost contact with her. We don't know what happened between you two pero sana kung ano man 'yon, maayos n'yo," pagsisinungaling ni Raya para sa akin.

"I miss her so much . . ." he uttered. "Kung mag-reply man siya sa inyo, pakisabi balik na siya sa 'kin. Hindi ko na siya aasarin."

Raya let out a soft chuckle. "I will, lover boy."

Nagpaalam na sila sa isa't isa. Nang maibaba na ang tawag ay kumawala ang isang malalim na hininga sa akin. Parang nakalimutan ko kasing huminga habang naririnig ko ang boses niya. Hindi rin ako lumikha ng kahit anong ingay sa takot na baka isang kaluskos ko lang, malaman niya nang kasama ako ni Raya.

"How are we going to tell her about it?" Raya asked me.

Tumingin ako sa kwarto kung nasaan ngayon si Milgrace. Kaya tumawag si Jai kay Raya dahil kay Cairus. He knows that Raya and Milgrace are together kaya naman tumawag siya at sinabi ang lahat. Cai already knows that she's here in France but Mil's parents stopped him from going here.

They wanted their daughter to have time for herself and Cairus obeyed them, but they have a plan. Sinabi na rin iyon ni Jai. Kaya oras na malaman ni Mil ang balita, ang gagawin lang namin ni Raya ay ang ipagtulakan siya pauwi.

"You heard Jai. Hindi natin sila pangungunahan at sila na ang bahala. Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay," sagot ko. "Our girl deserves to be happy. Sa ngayon, hayaan muna natin siya."

She smiled at me and nodded. Maya-maya ay sabay kaming napabuntong-hininga. Natawa kami parehas.

"Miss mo?" she asked.

"Wala namang araw na hindi ko siya na-miss." Hilaw akong ngumiti. "Ikaw ba miss mo?"

"Oo naman," diretsahan niyang sagot at hindi na nagkaila. "Hinahanap-hanap ko presence niya sa kahit kanino."

"Parehas pala tayo, e."

Bumukas bigla ang pinto ng kwarto ni Mil kaya natahimik kami parehas. Pinanood namin siyang bumaba at sinabihang magdahan-dahan para kay baby.

Ilang araw lang din ang lumipas nang sabihin ni Mil na nakatanggap siya ng message tungkol sa mga magulang niya. Kitang-kita namin ang pag-aalala sa mukha niya nang malaman ang balita.

"They need me," she said. "Kailangan kong bumalik."

Nagkatinginan kami ni Raya nang sabihin niya 'yon. Marami siyang kailangang malaman kaya kailangan niya na talagang bumalik sa Pilipinas. Ang problema lang ay masyado siyang naniwala kay Lheen. Hindi siya naniwala sa paliwanag ni Cai. Nagalit ako sa kaniya, pero nang malaman ko ang totoo, napagtanto ko na mahal niya talaga ang kaibigan ko.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now