Chapter Eighteen

1.7K 24 3
                                    

Nang matapos kaming kumain sa karinderya, pinilit ko siyang ipakita ang wallpaper niya sa akin kahit ayaw niya. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi iabot sa akin ang cellphone niya.

Before he unlocked his phone, nakita kong picture naming dalawa ang lock screen niya. Kuha iyon sa coffee shop na madalas naming puntahan.

"Crush na crush mo 'ko, 'no?" biro ko sa kaniya.

Naiiling lang siyang ngumiti sa akin saka napakamot sa ulo.

Tatawa-tawa kong tiningnan ang wallpaper niya. It's a candid photo of me reading a book. Seryosong-seryoso ako roon na parang hindi p'wedeng istorbohin. Kaya niya siguro ako nakuhanan ng picture kasi masyado akong abala sa binabasa.

"Hmm, ganda," I complimented myself.

"As always . . ." he replied.

I smiled genuinely and gave his phone back to him.

Hinatid niya na ako dahil wala na rin naman kaming ibang gagawin pero bago ako makalabas ng sasakyan ay pinigilan niya ako.

"Are you free on Saturday? It's my friend's birthday and he told us we are free to bring anyone we want to," he said and bit his lower lip. "And so I thought of you. Gusto mo bang sumama?"

Napaisip agad ako kung may gagawin ba ako ng araw na 'yon. I took my phone to check my schedule on my notes. Nang makitang libre ako sa Sabado ay tumango ako sa kaniya.

"Wala naman akong gagawin. Pero sigurado ka bang ayos lang na sumama ako?" Tumawa ako. "Saka hindi ba sila mag-iisip kung—"

"No, they wouldn't," he assured me. "I know them. Wala kang dapat ikabahala."

I heaved a sigh and nodded. "Okay."

"Okay. Text me when you get home."

My forehead creased. "Jai, iyan na ang bahay ko. Bakit pa ako magte-text?"

Ngumiti siya. "Wala lang. I just want you to text me."

"Whatever!" sabi ko sabay irap sa kaniya.

He laughed. Para wala na siyang masabi pa ay bumaba na ako. Hindi niya na rin naman ako pinigilan.

"Bye! Salamat sa pagsama," ani ko nang makababa.

"May ibibigay pa 'ko sa 'yo, sandali lang . . ."

May inabot siya mula sa backseat. Ako naman itong seryosong naghintay sa ibibigay niya. Kumunot ang noo ko nang iabot niya sa akin ang isang clear folder na may resume niya sa loob.

"Ano 'to?" taka kong tanong.

"Resume."

I rolled my eyes. "I know pero para saan 'to?"

"Jairus Mikael Villaverde po, Miss ma'am . . ." he introduced himself. "Applying for a position in your life as your boyfriend."

Iritado kong ibinato sa kaniya pabalik ang folder na siya namang ikinatawa niya nang malakas.

"Ewan ko sa 'yo! Bwisit ka!" singhal ko. "Umuwi ka na nga!"

Tumalikod na ako pero naririnig ko pa rin ang tawa niya. Kahit kailan talaga ay mahilig siyang mang-asar! 'Pag naman talaga tinanggap ko siya sa posisyong ina-apply-an niya'y baka hindi niya rin kayanin.

Mabilis na lumipas ang mga araw. It was Friday evening when we had a runway. Of course naging maganda naman ang kinalabasan ng event, pero sa timpla ng mukha ni Raya no'ng gabing 'yon ay parang hindi siya natuwa na maging si Mil ay napansin din ang bagay na 'yon.

When we asked her if she's okay, ang sabi niya masama lang daw ang pakiramdam niya. Hindi na namin siya pinilit na magsalita dahil baka totoo naman ang sinabi niya.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now