Chapter Thirty-seven

1.8K 22 0
                                    

“Mukha ‘yan, simangot na simangot,” natatawang sabi sa akin ni Mil nang mapalingon siya.

Hanggang ngayon naiinis pa rin ako kung paano ipinakilala ni Krisma ang sarili niya. Though I can’t blame her, if Jai’s my boyfriend I would be proud too. Wala namang sinabi si Jai, he didn’t confirm it pero hindi niya rin naman dineny which made me think that maybe it was true.

Celebration dapat ng graduation ko pero hindi ko makuhang magsaya dahil sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy ay peke ang mga ngiting naibibigay ko sa tuwing may bumabati sa akin. Nakakainis na ganito ang epekto niya sa akin.

They left after talking to me, sinabi niya ring hindi siya makakapunta sa bahay dahil may importante silang pupuntahan. Hindi naman ako para mamilit kaya hinayaan ko na lang sila.

I don’t know how to react. Para na lang akong tangang nakatingin sa kanila then I remember everything he told me.

Sabi niya babalik siya para sa akin, that he will be better for me. Seems like ginawa niya ‘yon para sa iba. Pero sino nga bang may kasalanan kung bakit ganito ang nangyayari ngayon? Hindi ba’t ako rin naman? Wala akong karapatang maging malungkot o hindi naman kaya ay manumbat dahil ako ang pumili nito. Ginusto ko ‘yon para sa kaniya at wala akong ibang choice ngayon kung hindi ang maging masaya para sa kaniya.

“Kung hindi kayo ang para sa isa’t isa, marami pang iba diyan, Ky.” Ngumiti bilang pang-alo sa akin si Raya. “But I’m pretty sure it’s not his girlfriend. Too far for his liking.”

Salubong lang ang kilay ko sa mga sinabi niya kaya naman natawa siya sa akin.

“’Yan, ganiyan ang mga tipo niya. Mukhang bubuga ng apoy. That Krisma girl is too sweet. Wala man lang spice, kaya kahit magpustahan pa tayo rito, hindi niya girlfriend ‘yon” dagdag niya pa.

“But he didn’t deny it, Raya. Girlfriend niya talaga ‘yon. Ano? Let’s have a bet,” si Mil.

Nasapo ko na lang ang sariling noo. Parang naging hobby na naming magkakaibigan ang pagpustahan ang buhay ng isa’t isa. Minsan talaga nakakatawa na lang pero siguro ginawa na rin naming coping mechanism ‘to.

“Anong taya?” tanong ni Raya, seryoso talaga.

Napailing na lang ako. “Huwag n’yo namang pagpustahan ‘yong tao,” suway ko.

“Sus! Pero kapag tungkol sa amin ni Cai, okay lang? Ang unfair mo naman diyan, ate ko.”

I laughed at Mil’s remark. Kung sabagay ay pinagpustahan nga namin sila ni Raya noon. Ayan ngayon at bumabawi ang gaga.

Kahit papaano ay naibsan naman ang lungkot at sakit na nararamdaman ko dahil sa kanila. I still enjoyed my little celebration even though my heart is crumbling down because of pain he inflicted. But then I will remember, it was me who forced him to chose that path.

“I’m sorry but we need to go home early, our kids are waiting for us,” Cai said, trying to excuse his wife.

Ngumiti naman ako. “We understand. Ingat kayo sa pag-uwi. Mil drank a few shots lang naman. Medyo mapilit eh,” sabi ko.

Cai shrugged a bit. “Nothing’s new,” he answere and looked at Mil. “Let’s go home, wife.”

Wala sa sariling napangiti ako sa kanilang dalawa. Masaya ako para sa kaibigan ko dahil nakuha niya na talaga ang paagmamahal na matagal niyang pinangarap pero hindi ko rin maiwasang malungkot sa tuwing maiisip, ako kaya kailan?

Mukhang matagal  na pala akong sinukuan ng lalaking hinintay kong bumalik.

I tried to invite Tita Meryll and Tito Cain but they politely declined and said they have something important to do, but I also feel like it was because of my mom. I did not think about it too much.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now