Chapter Twenty-one

1.9K 20 4
                                    

I'm not used to words like that because for me, napaka-corny ng mga gano'ng salita sa pandinig.

But when it was him, it's like a sweet melody embracing my ears causing my heart to beat like a rabbit having a race with a turtle.

Bumibilis . . . bumabagal . . . nanunuya.

I was left with no words. I was speechless. Sa paraan ng pagsasalita niya'y para bang sinusuyo ako na maging kaniya . . . at hindi naman siya nabibigo.

Unti-unti'y mas lalo kong ginugusto na mapunta sa kaniya because I know and I'm sure that my heart will be in good hands.

That my heart that I've been guarding for years will be taken care of by someone responsible enough not to hurt it.

Sigurado ako sa kaniya, iyon ang alam ko.

After introducing me to his family and after a little talk with them, gumaan na rin ang pakiramdam ko ulit. Hindi naman nila ipinaramdam na bago lang ako, bagkus ay parang matagal na ring parte ng kanilang pamilya.

"I'm still mad dahil hindi mo sinabing birthday mo ngayon," iritado kong sabi sa katabi.

He sighed and gave me a little smile. "Okay, I'm sorry I didn't tell you about this. For me, whether you know it or you don't, it's totally fine. Kahit hindi mo ako batiin, ayos lang talaga coz your presence is already enough to make my day, Ky." He reached for my hand and rubbed it gently. "Sapat nang regalo ang mga ngiti mo sa akin, so please smile for me na. Ayaw kong nakikita kang nakabusangot. Feeling ko anlaki-laki ng nagawa kong kasalanan sa 'yo."

Wala na, natunaw na naman ang inis ko. Pinalis na naman gamit ng mga salita niyang alam na alam kung paano ako mapapaamo.

I pouted. "Still, nakakapagtampo na wala akong alam."

Lumingon ako sa mga kaibigan na nasa kabilang lamesa. Nasa amin ang tingin ni Mil ngayon kaya naman nagawa ko siyang irapan. Ang babae, dinilaan lang ako na parang bata. Gustong-gusto na nakikita ako sa gano'ng sitwasyon kanina. Wala talaga akong kaalam-alam. Hindi man lang ako binigyan ng hint na may celebration.

"H'wag ka nang magtampo, ayos lang naman talaga sa 'kin na hindi mo alam, e. At least nandito ka sa tabi ko. You're here to spend the day with me," pag-aalo niya.

I nodded, tired enough to make arguments about it. Wala rin namang mangyayari, what's done is already done. At least ngayon alam ko na.

Ngumiti ako sa kaniya. "Happy birthday, Jai . . ." mahina kong bati. "I don't have a gift for you dahil hindi ko talaga alam pero babawi ako."

He shook his head. "You don't need to. Gaya nang sinabi ko, sapat na ang mga ngiti mo sa 'kin para mabuo ang araw ko."

He gently carressed my cheek, so I smiled more which made him let out a sweet chuckle.

"'Yan, 'yan ang gusto kong nakikita palagi," aniya.

Tinampal ko nang mahina ang kamay niyang nasa pisngi ko dahil hindi ko na naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Nahiya lamang ako nang makarinig ng mga ubo mula sa gilid kaya naman pati ang mga nakatatanda ay napatingin sa amin.

"Nagmana ka talaga sa daddy mo, Mikael," komento ni Tita Meryll. "Ganiyan na ganiyan din sa akin si Cain noon."

"Hindi ba hanggang ngayon?" biro nang nahuli.

We all laughed because of them. Dinagdagan pa ng mga biro ni Tito Milandro kaya naman hindi na kami natigil sa tawanan.

We stayed there until six in the evening. The elders shared a lot of stories when they were at our age. Nakakatuwa malaman kung saan sila nag-umpisa. Hindi talaga basta-basta ang pag-ibig dahil tulad ng ibang relasyon, marami rin silang pinagdaanan pero tingnan mo nga naman, sila ang itinadhana.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now