Chapter Thirty-two

1.5K 16 1
                                    

Days didn't pass by easily. Mula nang pumasok ako sa law school, parang hindi lumipas ang isang araw na hindi ako nagrereklamong napapagod na ako. There are times that I honestly just want to quit. I am barely surviving the first year of law school. Hindi pa man ako nangangalahati, halos pasuko na ako.

I have a lot of people supporting me, that's why I can't give up easily. Lalo na si Jai na laging nandiyan para ipaalala sa aking nakapag-umpisa na ako at huwag kong sayangin ang nasimulan ko.

Every time I feel tired and restless, he will hug me and say everything to console me. He appreciates my effort and bravery to continue even though it was really hard. He was there to lift me up whenever I felt down. Palagi niya akong tinutulungan tumayo. Palagi niya akong tinutulungan makabawi.

Yakap niya ang naging pahinga ko sa tuwing nakakaramdam na ako nang matinding pagod sa lahat.

Every time that I am with him, I get a hold of tranquility and solace.

Sa totoo lang, nagiging abala na ako masyado sa pagpapatakbo ng HG kasabay ng pag-aaral. Minsan nakakalimutan ko na siyang sabihan sa kung ano na ang nangyayari sa akin pero lagi niya akong naiintindihan. He understands my busyness all the time.

Sa tuwing masyado akong abala sa mga ginagawa ko at hindi ko na magawang mag-message sa kaniya, bigla na lang siyang susulpot sa bahay dala ang mga paborito ko. He spoils me with everything that I want. Pero minsan, hindi ko maiwasang mainis dahil alam naman niyang hindi ko siya ma-e-entertain dahil sa pagiging busy ko pero punta pa rin siya nang punta.

Imbis nagpapahinga siya sa bahay nila pagkagaling trabaho, mas pinipili niyang dito dumiretso. Sometimes I complain about it. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama pero iniisip ko lang din naman siya. He also needs rest pero masyado niyang inaabala ang sarili niyang pumunta rito at sasabihin sa aking hindi naman daw siya pagod.

"Grabe naman 'yang pagkasalubong ng kilay mo. Kaaway mo ba 'yang papel?" tanong ni Mil na nawala na sa isip kong ka-video call ko.

Hindi na siya makapunta rito sa bahay dahil nanganak na siya. Halos ayaw niya ngang bitiwan si Michailah. Mahigit dalawang oras niya nang buhat ang bata pero akala mo ay hindi napapagod. Gusto niya raw kasing laging tinititigan ang anak niya. Hindi na rin naman ako nagtatataka dahil ang ganda ni Micha, mas maganda pa sa ina.

"I'm doing a lot of digests, Mil. Gusto ko na lang mamuhay bilang isang caterpillar na magiging magandang butterfly na pagti-trip-an hulihin ng mga walang magawang bata." Kunwari pa akong umiyak habang sabunot ang sarili.

"Kung ako ang bata, hindi na kita paaabutin maging butterfly. Caterpillar ka pa lang, durog ka na sa 'kin," natatawa niyang sambit.

Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang paggawa ng handwritten digests. Attorney Bañez won't allow us to print them. Gusto niya sulatkamay para siguradong ginawa talaga namin, and he will know kapag pinagawa namin 'yon sa iba dahil alam niya ang mga handwriting namin. Galing 'di ba? Magaling siyang kumilatis, bagay na gusto ko ring matutunan.

"Mil, I'll hang up the call na. I need to focus," paalam ko.

Ang bruha, tumango lang at siya na mismo ang nagpatay ng tawag. Gusto ko pa sanang makita si Michailah. Kahit kailan talaga ay bastos, huwag sanang mamana ng bata 'yon mula sa kaniya.

"Ate, my head hurts," daing ni Reneil sa akin habang hawak ang kaniyang ulo.

Nitong mga nakaraan, lagi niyang idinadaing sa akin na masakit ang ulo niya. Sabi ko magpa-check up na kami pero ayaw niya naman. Nawawala rin naman daw kapag iniinuman niya ng gamot. Nababahala na ako sa araw-araw na pagsakit ng ulo niya pero pasaway naman siya masyado at ayaw makinig sa akin.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now