Chapter Twenty-five

1.7K 20 2
                                    

Hindi na namin namalayan ang oras, inabot na kami ng alas diyes sa labas. Reneil enjoyed it so much when we went to the amusement park. Para siyang bumalik sa pagkabata, though he will always be my little brother whom I love the most.

When he was young, kahit may pera, hindi niya naranasan na pumunta ro'n kasama ang buong pamilya. Daddy had always been busy. Maging si mommy ay ganoon ang rason.

Nakakapunta lang siya sa mga ganoong lugar kasama ang mga kaibigan niya. Kaya ngayon, I took him to the places he had never been as a family. Kahit kaming dalawa lang bilang isang pamilya. Kami kasama si Jai.

"Nag-enjoy ka ba?" Jai asked him while he's driving.

Tumango at ngumiti ang kapatid ko. Mukhang pagod na pagod na sa likod pero bakas pa rin ang saya sa mga mata niya.

Sa saglit na oras na magkakasama kami ay nagkasundo ang dalawa. Nawala ang hiya ni Reneil kay Jai, bagay na ikinatuwa ko. I want them to be close because I want my brother to experience what if feels like to have a kuya that he can talk about their things.

Iba pa rin ang may kuya.

"Thank you, Jai," nakangiti kong sabi. "I won't get tired saying how thankful I am to have you."

"Stop with the sweet words, ate. Hindi naman bagay sa 'yo," anang kapatid ko.

Agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin pero parehas lang nila akong tinawanan. Kinuha ko ang phone ko sa bag na mula kaninang umalis kami ay nakapatay. I just want to focus on my brother. I don't want to get distracted.

Nang buksan ko ang phone ko ay naging sunod-sunod ang pagtunong no'n para sa mga message nina mommy at daddy, maging ang katulong at driver namin ay may message na.

They're looking for us for hours. My bad I didn't ask for their permissions, pero gaya nga nang sinabi ko, gusto kong itakas ang kapatid ko.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nilukob nang matinding kaba sa dibdib. Papalabas pa lang kami ng kotse ay nakita ko na ang pagmamadali ng mga magulang ko sa paglabas.

I saw how eager my mom to reach my dad to stop him pero 'di hamak na mas mabilis ang ama ko kaysa sa kaniya.

"Where have you been?!" Dad's voice is in rage.

Napalunok ako at tumingin sa kapatid.

"Ah, Sir-"

"I'm not talking to you, young man!" Dad stopped Jai from talking. "I'm talking to my daughter. Wala kang karapatan sumabat. And if you please, can you just go home?"

Jai shook his head. Walang takot na mababakas sa kaniyang mukha. "I won't leave them here."

Hinawakan ko siya sa braso upang pigilan at makiusap kung p'wedeng sundin niya na lang ang daddy. He's fully aware about what's happening in my life dahil sa kaniya lang naman ako nakakapagsabi. Ang madamay pa siya sa mga problema ko'y hindi na tama.

"Pumasok na tayo sa loob. Nakakahiya sa mga kapitbahay, Reynald!" pigil ni mommy.

Dad sarcastically laughed. "Bakit? Nahihiya ka bang malaman ng lahat na ipinaako mo sa akin ang batang hindi ko naman tunay na anak?"

Nanlamig ako. It is as if my heart stopped beating. Walang salitang namutawi sa bibig ko at agad na nilapitan ang kapatid na nagulat din sa narinig. Mabilis ko siyang binalot para sa isang yakap.

"Reynald, please," my mom begged.

Tumingin si daddy sa kapatid ko at pinanlisikan ng mga mata. "You are not my son! Your mom faked our DNA test. Ganiyan kademonyo ang ina mo! She made me believe that I am your father!"

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now