Chapter Thirty-nine

1.7K 19 0
                                    

I waited from months to know the result of my board exam. Habang papalapit nang papalapit ang araw ay mas lalo akong kinakabahan. Luckily, I have Jai to hold on when I feel really nervous. Kasabay ko siyang naghihintay ng paglabas ng resulta. Kulang na lang lumabas na ang puso ko sa dibdib sa paghuhurumentado no'n.

All of my friends are here in the house while waiting for the link. Palakad-lakad ako sa buong bahay dahil hindi talaga ako mapakali.

"I'm very sure you'll pass," Jai remarked.

I looked at him. "What if I don't?"

"You can retake, my love. Hindi por que hindi ka pumasa ngayon, hindi ka na papasa sa mga susunod pang pagkakataon. Pwede kang bumawi kung sakaling hindi ka man nakapasa ngayon," litanya niya.

"I agree!" Mil said while munching a bowl of oatmeal without some milk.

Nagsigawan silang lahat nang lumabas na siguro ang resulta. Nasa harap nila ang laptop ko ngayon habang ako ay nakatayo at hindi 'yon tinitingnan. I don't know if I can look at the results. Hinayaan ko silang maghanap habang ang puso ko'y parang sasabog anumang oras.

They are like a some sort of cult while chanting my name looking at the long list of names. Para silang nagriritwal pero hindi ko makuhang matawa dahil mas mukha pa yata talaga silang kabado kaysa sa akin.

"De Jesus . . . De Torre . . . Dela Cruz . . ." Mil mentioned some surnames. "Huh? Walang De Vega?" nagtataka niya pang tanong nang mapagtantong tapos na ang nagsisimula sa De.

Naibagsak ko ang mga balikat. Sabay-sabay silang napatingin sa akin na parang hinihintay ang magiging reaksyon ko.

"Hindi ka pumasa, Ky. Wala rito ang pangalan mo," sabi ni Raya.

Naninikip ang dibdib ko. Tumalikod ako sa kanila para hindi nila makita ang pag-uunahan sa pagtulo ng mga luha ko. Even though I reviewed hard, hindi pa rin ako nakapasa. Sobrang hirap kasi ng exam. Hindi ko na nga rin alam kung saan ko pa pinagkukuha ang iba kong mga sagot.

Jai went closer to me to console me. Hinaplos niya aking likod habang binubulong sa akin na ayos lang 'yon at pwede pa akong mag-exam ulit. Raya and Mil also hugged me.

"Bawi ka na lang sa susunod, Ky. Hindi talaga palaging aayon sa atin ang panahon," ani Mil.

Iyak ako nang iyak sa sobrang pagka-disappoint sa sarili. Sabi ko dapat one take lang pero hindi ako pinalad makapasa. Hindi ko kayang i-handle ang ganitong klase ng failure dahil naniwala ako sa sarili kong kaya ko.

"Stop crying, my attorney . . ." Jai whispered.

Umiling ako. "H-hindi naman ako nakapasa."

"Pwede bang unang kasong hawakan mo 'yong irereklamo ko sa 'yo, attorney?" tanong sa akin ni Raya.

"Ako si Cai irereklamo ko. Magkano ba every call?" si Mil.

Takang-taka ko silang tiningnan. Ngumiti sila sa akin. Tumigil din ang pag-iyak ko. Lumapit si Reneil para ipakita sa akin ang laptop ko kung saan naka-flash pa rin ang resulta sa screen.

"DE VEGA, THERENE KYLEI C.," basa niya sa pangalan ko. "86%"

Ibig sabihin nakapasa ako? Attorney na ako?

Nagtatalon silang lahat sa tuwa habang yakap ako. Hindi ko maproseso ang lahat sa utak ko. Akala ko hindi ako pasado.

"Sorry na-prank ka. Gusto lang kitang paiyakin," wika ni Mil.

Bumuhos muli ang mga luha ko.

Thank you, Lord. All glory to you!

Finally, after a long time of dreaming I can finally call myself an attorney.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now