Chapter Seventeen

1.8K 24 9
                                    

After our short vacay, something between us changed . . . and whatever it is that we have right now, ayaw ko 'yong mawala.

It's something I want to treasure until the end of my lifetime.

Masaya ako sa kung anong meron sa amin ngayon, pero hindi ko makuhang makuntento. Parang nanghahangad ako nang mas higit pa rito.

Pero sa ngayon, habang masaya pa ako, I'll cherish every moment with him.

"Tell your boyfriend you can't focus when he's here," Raya joked when she went to me.

I looked at the guy she's pertaining to. Hindi maalis ang titig niya sa akin. At totoo ang sinabi ni Raya. Nang dahil sa tingin niya'y hindi ko makuhang mag-focus sa trabaho ko.

May paparating kaming runway next week kaya ngayon ay nasa agency kami to practice. Sumama sa akin si Jai kasi sabi niya wala naman daw siyang gagawin at gusto niya akong panoorin. I told him I don't want him to go with me because I might get distracted but he still insisted.

Eto na nga ang sinasabi ko. Napansin na nga ng dragon kong boss.

"He's not my boyfriend, Raya." I rolled my eyes at her, pero ang gaga ay ginantihan lang ako sa ginawa kong pag-irap at tumawa.

"Doon din naman ang punta n'yo," aniya.

Inilingan ko na lang siya pero sa loob-loob ko'y 'yon din ang inaasahan ko. Ang ngiting ibinibigay niya sa akin ngayon ay parang nagsasabing alam niya kung ano ang nasa isip ko.

"What if para kayo pala talaga sa isa't isa?" asar kong tanong sa kaniya. "Pa'no kung magkabalikan kayo?"

Umakto siyang parang nag-iisip. She slowly nodded her head. "Hindi nga 'yan malabo . . ."

Kunot-noo ko siyang tiningnan dahilan para bigla siyang matawa sa akin.

"Hindi 'yan malabo sa panaginip," biro niya saka napapailing pang umalis sa harap ko.

Kung makapagbiro sa 'kin ang isang 'yon ngayon, akala mo matagal na kaming close! Eh mainit nga ang dugo namin sa isa't isa dati!

"Are you tired?" Jai asked when I went near him.

I smiled at him and shook my head a little. "Hindi naman." Umupo ako sa sahig na siya namang ginaya niya. "Hindi ka ba naiinip?" tanong ko.

"Kung alam mo lang . . ." sagot niya saka ngumiti.

"Ha? Edi naiinip ka nga?"

Umiling siya. "I'll never get bored watching you," he uttered while looking at me. "Especially when you're doing what you love."

Umirap ako bilang pamigil sa nagbabadya kong pagngiti. "Ang dami mong alam!" asik ko saka tumawa.

He chuckled. "Ky, walang masama sa pag-amin na kinikilig ka."

"Hindi ako kinikilig . . ."

He shrugged his shoulders. "Your face tells me otherwise."

"Guni-guni mo lang siguro 'yan."

Hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin. The silence between us made me hear my own heartbeat. It beats faster than its usual speed. My heart feels like it is being touched by a warm hand. Everything feels light and serene. All because of him.

Naputol ang titigan namin nang dumating ang kapatid niya. Almost all of the girls turned their heads to Zairus who's walking confidently, animo'y isang model at sa pag-aari niya ang inaapakan niyang sahig ngayon.

On normal days, he looks reserved and taciturn. But now, there's a trace of happiness on his face.

Of course lumapit siya kay Raya na ngayon ay mukhang nagtataka sa nakikita niya sa lalaki. Bumulong ito sa kaniya, and I saw how her expression changed. From confusion to a glimpse of pain.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now