Kabanata 23

113K 3.3K 5.3K
                                    

September and Zahira's photo above.
[Edited by DownfallAchlys]

TW: Self-harm.

***






Akala ko tapos na ang birthday celebration ko. Akala ko makakapagpahinga na ako, but I was wrong. Kahit pagod at kahit medyo masakit pa ang pagitan ng dalawang hita ko dahil sa nangyari sa amin kanina ni Zahira ay pumunta pa rin kami sa sinasabing bar nila Pam. The party is not yet over daw at kung hindi na naman ako makikijoin ay sasabihan na naman nila akong killjoy na birthday girl.



"Are you sure you wanna go? I can talk to your friends and tell them-"



"I'm f-fine, Zahira. A-ayos lang ako." Kaya ko pa namang maglakad kahit ramdam ko pa rin ang sakit ng pagitan ng mga hita ko.



Sabay kaming lumabas ni Zahira ng room namin. I'm wearing a black backless halter top and a ripped raw cut denim shorts, nagsuot din ako ng cover-up para hindi ako masyadong lamigin doon kung sakali. Ganoon din ang suot ni Zahira tulad ng akin.




Tahimik lang kaming naglalakad sa tabi ng dagat. Ngayong wala na akong tama ay nahihiya na ako kay Zahira. Hindi ako umiimik hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan nila Pam na halatang nakarami na ng inom.




"The birthday girl is here!" Sigaw nito habang tinataas ang bote ng alak papalapit sa amin. "Hello, ma'am," malapad ang ngiti nito at kumindat pa kaya kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran. "Aray-what the heck is that-oh, my-" tinakpan niya ang bibig niya matapos ituro ang leeg ko. Maya't maya ay tumawa siya nang sobrang lakas habang ang mga mata'y naka'y Zahira na. "Ang saya naman ng birthday mo, Ms. Birthday Girl!"



Napakunot ang noo kong napahawak sa leeg ko at nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko iyong ginawa ni Zahira. Oo nga pala, Zahira sucked my neck kanina. Hindi ko napansing nagmarka iyon. Nag-init bigla ang dalawang pisngi ko.



"Masyado bang halata?" I asked Zahira.



Napalunok siya bago dahan-dahang tumango, sa leeg ko siya nakatingin.




"That's fine, Ember," Pam said, still laughing.




Hinila niya kami ni Zahira papalapit sa mga kaibigan kong ngayon ay tig-iisa na ang hawak na bote ng alak. Halatang may tama na sila. Napafacepalm na lang ako dahil nagiging wild na sila, maging ang ibang mga kaklase ko.




"Dahil bagong dating kayo, bottoms up!" Si Sweden na ngayon ay pinupuno na ng beer ang basong hawak.




"Tangina mo, umayos ka-"




"Ang killjoy talaga!" Sigaw nilang lahat.




Wala na naman akong choice kundi inumin iyon, maging si Zahira na kahit hindi niya sabihin ay alam kong hindi siya natutuwa sa mga trip ng kaibigan at kaklase ko.



"Give me that."



Napatingin ako kay Zahira nang magsalita siya. Tinuro niya ang basong hawak ko. "W-why?"



"Just give it to me, Ember." Matigas na sabi niya pero umiling ako.



"Hindi na. Ako na ang iinom." Sambit ko at dire-diretso iyong ininom kahit sobrang pait at kahit sobrang init no'n sa lalamunan.




"Tsk, stubborn." Rinig kong sambit niya.




Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya nang tawagin kami nila Pam sa isang table. May nilalaro sila at nang malamang beer pong with a twist ang laro ay parang gusto ko na ulit umatras.




Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon