Kabanata 27

82.4K 2.9K 2.4K
                                    

***







Tahimik ang naging byahe namin ni Zahira pabalik ng bahay. Iniwan na namin si Piper doon sa bar dahil dumating na si Peter at siya na ang umasikaso sa kapatid niya.






"How did you know her?" Pambabasag ko sa katahimikan dahil hindi ko na kayang kimkimin pa iyon.






Hindi ako sinulyapan ni Zahira, nakatingin lang siya sa daan. Masasabi kong sobrang lalim ng iniisip niya dahil hindi niya ata narinig iyong sinabi ko.






"Zahira?" Tawag ko sa kaniya.






Doon lang niya ako pinansin at saglit na sinulyapan. I can't read her pero nakikita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya.






"I don't want to talk about it," mahinang sagot niya at umiwas. I heard her sigh.






Hindi na ako umimik pagkatapos no'n hanggang sa makarating kami sa bahay. Ang daming tumatakbong what if sa isipan ko pero ang mas nangingibabaw ay iyong isiping baka mag-ex sila Zahira at Piper. Bakit nasabi ni Piper na hindi pa siya nakakapag-move on? Na hindi niya magawang mag-move on? What if she still loves Zahira? At bakit ayaw pag-usapan ni Zahira ang tungkol doon?






I swallowed hard and held my head, sumasakit ang ulo ko kaiisip dahil aa nangyari kanina, dahil sa mga sinabi ni Piper kay Zahira.






"September."






Nilingon ko si Zahira, ang kamay ko'y nasa doorknob na ng pintuan ng kwarto ko. "Why?" Walang kabuhay-buhay kong tanong.






She sighed. She opened her mouth and she was about to say something pero tila may pumipigil sa kaniya. She then shook her head, "nothing."






Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon ay huling araw na ng final exam namin. Half day lang kami dahil iisang subject na lang ang hindi natatapos.






"Hoy, tara mamaya sa bar nila Peter. Mag-gi-gig ang banda ni Savien Dela Vega ngayon doon. Once in a year lang 'to mangyari. Samahan mo ako."






Niyugyog ni Pam ang balikat ko at saka ako hinarap, nagmamakaawa at nakadikit pa ang dalawang palad.







"Madaming tao, ayaw ko." Matigas na sambit ko rito saka kinuha na ang bag ko.






"Eh, 'di h'wag! Magpapasama na lang ako kila Sweden." Umirap ito saka nauna nang lumabas ng room kaya napailing-iling ako.






Dahil nauna nang umalis si Pam ay pumunta na lang ako sa coffee shop na malapit dito sa University namin. Nadatnan ko roon si Aldrich na nagseserve at nang mapansin niya ako ay agad siyang lumapit na may ngiti sa labi, kita na naman ang dimple ng kabilang pisngi niya.







"Libre kita. Hindi ako nakapunta noong birthday mo, eh." Sambit nito at nilapag ang coffee na lagi kong inoorder dito. Kabisado na niya. "And this is strawberry cheesecake. Favorite mo raw orderin 'yan dito." He's right, wala akong ibang inoorder kundi iyon.






"Baliw, naiintindihan ko naman kung bakit hindi ka nakapunta-"






"So, ayaw mo ng libre ko?" Ngumuso siya kaya natawa ako.






"Wala akong sinabing ayaw ko. Libre na lang din kita sa susunod o hindi kaya ay sa birthday mo. Kailan ba ang birthday mo?" Tanong ko at tinikman ang strawberry cheesecake na binigay ni Aldrich.






Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon