Asignaturang Pag-ibig (Talumpati)

4 0 0
                                    

Filipino sa Piling Larangan

Wala ng paligoy-ligoy pa
Oo na, sige na, miss mahal kita
Kaya lang naman ako nagbalik skwela
Kasi gusto kong makasama ka

Gusto ko lang ipaalam sa lahat babe,
“how much I love you”
Kung bibigyan ng paksa ang talumpating ito
Ito yung “Ang Probinsyano Part 2”
Ikaw si Alyana, ako naman si Crado

Naalala mo pa ba, nung tayo nasa elementarya?
Nagkita tayo sa subject na Hele at Sibika
wala ng paligoy-ligoy pa,
Nilapitan kita sabay sabing "miss pwede bang mailibre kita"?

Ang saya-saya ko non
Naging creative ako sa aking pagsusulat dahil sa aking imahenasyon
Ikaw yon, aking inspirasyon
Kung tayo may magkatuluyan "babe"
Yan ating tawagan

Sa PR, gusto ko sana tayoy magkagrupo
mga mata'y nagkatagpo,
habang tayo'y nakaaupo

Sa qualitative at quantitative data
Gusto ko lang makadate ka
Ang mean at hypothesis sa aking thesis
miss, gusto ko lang ika'y maging misis

Sa bawat sanaysay sa piling larang
Laman nito, sanay makapiling kalang

E-naral ko lahat ng subject
halos utak koy wasak parang abo
Ginawa ko ang lahat para pumasa
Pero bakit pagdating sayo bagsak pa rin ako

Sinaulo ko ang Norito na dasal ng Shintoismo
Inakyat ko ang Synagogue Temple ng Judaismo, para lang magsakripisyo
Sabi ni Gautama ng Buddismo
“Magbigay...Kahit kaunti” sa kanyang lyrisismo.
Hindi lang kaunti ang binigay ko, mismo
Kundi ang lahat sa puso ko para mapakasal kita sa simbahan ng Kristiyanismo

Tinuroan tayo sa entrepreneur na mag-ipon
Kahit na sentimo, di ko tinatapon
Iniipon ko ang aking baon
para lang mabilhan ka ng fried rice at hamon
kahit wala na akong malamon

Kailangan mo lang ako sa tuwing exam at pagsusulit,
Kahit na masakit!
alam ko ang dahilan kung ba't sakin lumalapit
Wag kang magalit, kopya lang naman ang habol mo sa akin, ang sakit!
Pero pagwala na, sa iba ka kumakapit, ang pait!

Oo masakit,
pag nakita kita na iba sayo'y nangasiwa
na, ako ang iyong kasama ngayon pero nasa iba ang iyong diwa
daig ko pa ang sinaksak, ang katawan koy puro hiwa
Nagmahal lang naman ako, nasaktan, tumaba
Pinaasang may pag-asa rin, nasan na, nawala

Ano ba ang problema, dahil wala akong pera, gwapo lang talaga
O dahil may pabingwit kana, na ubod ng gwapo at may motor pa

Nakita ko sa facebook mo na ikaw ay taken
Gusto kung kunin ang “t” sa taken para ikaw ay maging “aken”

Siguro, kailangan ko na itong tanggapin
Pusoy nangungolila hinahanaphapan ka parin.
Isa lang ang hiling ko sayo friend
Pwede wag mo akong e un-friend.

G12 M's Where stories live. Discover now