Oratorical Spech

0 0 0
                                    

Republic of the Philippines
Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Siaton II District – Siaton National High School

Isang mapagpalang araw sa ating lahat, sa ating mga guro, at sa lahat ng ating mga panauhin.

Masayang naglalakad habang inaakay ang isang bata. Akala mo ay kanyang kapatid yun pala ay kanyang anak. Hindi na bago sa atin ang ganitong istorya. Ito ay ating makikita sa bawat sulok ng ating komunidad. Ito ay napapanahong usapin ngayong ika dalawamput isang siglo.

May dalawang punto ako na nais ibahagi sa upasing ito.

Unang punto. Tayo ay mulat na sa katutohanan, na sa tuwing dumadaan ang mga taon, mas naging bata ang mga kababaihang nabubuntis dahil sa kakulangan ng edukasyon sa seksuwalidad. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas bumaba ang edad nga Teenage Pregnancy mula labin siyam (19) ngayon ay nasa labin limang (15) taon gulang na lamang.

Ano ba ang solusyon na maiambag natin rito?

Ito ang panahon upang ituro sa ating kabataan ang "Komprehensibo at wastong impormasyon tungkol sa seksuwalidad" nang sa gayon silay maging responsable at maiwasan ang maagang pagbubuntis. 

Ang katuyanan na kaya nating sugpuin ang teenage pregnancy  ay dahil ayon sa Philippine Statistics Authority ay bumaba ang bilang nito mula sa 8.6 na bahagdan ngayon ay nasa 5.4 na bahagdan na lamang. Pero hindi pa tayo nagtatapos rito, sapagkat ang layunin natin ay masugpo ang teenage pregnancy.

Ikalawang punto. Sa usaping pagkakapantay-pantay sa kasarian.

Labis akong nasasaktan na sa tuwing makikita ko ang isang tao na kinukutya dahil lamang sa kanyang kasarian. Alam nyo ba na ito'y isang pambubully ayon sa Republic Act 10627 o mas kilala bilang "Anti Bullying Act of 2013"; Dapat pantay ang pagtingin kahit ano man ang kanyang “Gender preferences".

Dagdag na punto, dapat ang "gender ay hindi exclusive", dapat ang "gender ay inclusive". Pantay-pantay na paggamit sa linguwahe, pantay-pantay na opportunidad sa trabaho kahit ano man ang kasarian nito.

Sanay hindi maging batayan ang kasarian, sanay maging batayan ang kakayahan.
Naway maging isang bayan tayo na ang tingin sa bawat isa ay kapwa Pilipino.

Yun lamang ang nais kong sabihin, maraming salamat sa inyong pakikinig.

G12 M's Where stories live. Discover now