Posisyong Papel (Module)

0 0 0
                                    

Filipino sa Piling Larangan

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang akademikong sulatin na makikita sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong kuwaderno.

Panatilihin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo: Huwag patayin ang pambansang karapatan ng wikang Filipino, mga guro ng Filipino, Kabanatang Filipino at mamamayang Pilipino.

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan.

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ng alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Bilang 20 na may petsang Hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinabi ng komisyong nabanggit na maaring ituro sa Inglis o Filipino ang mga asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Pruposive Communication na nakapaloob sa nilikha nilang curriculum, nababatid namin na pagaagawan-gawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Inglis sa mga kolehiyo at Unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawan, pagtatalo, at ang masaklap pa ay aangkinin lamang ito ng mga departamento ng Inglis sa mga unibersidad at kolehiyong mabuhay ang Filipino dahil halata na mang nakahiling ang Proposive Communication sa Inglis. Sa hakbang na ito, tila unti unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/ Departamentong Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad sa Pilipinas.

 Higit pa rito, maraming mga guro sa Pilipino, partikular na sa PUP, ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumamayag ang Kagawaran Filipinohiya ng PUP na mangyayari ang mga bagay na ito sa pagkat malinaw na e sinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Katanungan:
1. Ano anong argumento ang sumusuporta sa Thesis na ito?
2. Bilang isang mag-aaral ano ang iyong opinyon tungkol sa isyu ng pagtatangkal ng asignaturang Pilipino sa Kolehiyo?

Pagsusuri
Panuto: Unawain at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ito ay nakabatay sa iyong nabasang akademikong sulatin
1. Ano ang panansin mo sa gawain 1?
2. Paano sinimulan ng manunulat ang kanyang sulatin?
3. Bilang mambabasa, ano ang iyong opinyon tungkol sa tekstong ito?
4. Paano naiba ang tekstong ito sa ibang teksto?
5. Ano ang nilalaman at uri ng teksto na iyong nabasa

G12 M's Where stories live. Discover now