01

193 10 4
                                    

"HULING HABILIN"

Nakakayanan kong tingnan ka sa malayo,
Kase yun lang naman talaga ang kaya ko.

Kung iniisip mong nagpapapansin ako sa'yo,
Nagkakamali ka, sapagkat kailanman hindi ko hinangad na pansinin mo.

Ang hiling ko lang naman,
Mawala ang pagtingin ko,
Kung hindi mo kayang ibalik,
Yung nararamdaman ko para sa'yo.

Isa lang ang aking hiling,
Ang mabati sa bagong taong darating.

Oo nga pala, malapit na ang kaarawan ko,
Hindi ako humihingi nang kung ano,
Isang "happy birthday" lang galing sa'yo,
Buo na ang araw ko.

Bakit nga ba ang hirap mawala,
Ng nararamdaman ko para sa'yo?
Kahit wala ka namang ginawa
kundi ang iwasan ako?

Hanggang kailan ko ba mapapagtanto,
Na hindi na kita gusto?
Ayaw kong mawala ang nararamdaman ko,
Dahil alam ko pagsisisihan ko rin ito.

Dumating na nga yung hinihintay ko,
Malapit nang mawala ang pagtingin ko para sa'yo,
Ngunit ng malaman kong mataas ang nakukuha mong grado,
Muli na namang tumibok ang puso ko.

Dagdagan pa ng mabuti mong puso,
Na hinahangaan ng maraming tao,
Ano pa nga bang laban ko?
Kung puso ko na ang nagdiktang ika'y ibigin ko?

Ang boses mong parang musika,
Na sa akin humahalina,
Na nais na muling marinig,
Sa oras ng aking pangungulila

Ngunit merong bagabag sa puso,
At mga tanong sa isip ko,
Sa mga babaeng nahuhumaling sa'yo,
Iniisip ko kung mananalo ba ako.

Hindi ako maganda tulad nila,
Wala akong pamporma na,
Makakaakit sayong mata,
Wala ako ng meron sila,
Kaya ano bang laban ko pagdating sa kanila.

Ngunit, sandali ko ring narealize,
Na bakit ko ikukumpara,
Ang sarili sa kanila,
Kung meron ako na wala sila?

Hahayaan ko na lang na lamunin ako,
Ng paghanga at pag-ibig ko sa'yo,
Titingnan kita sa malayo,
Hanggang sa ako'y makuntento.

Balang araw matatanggap ko rin,
Na hindi ikaw ang para sakin,
Sakali mang mahulog ka sa iba.

Paalam aking ginoo, mag-iingat ka.

_✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionDär berättelser lever. Upptäck nu