15

35 5 0
                                    

//—Pinagtagpo pero di itinadhana—//

Napagtanto ko na,
pinagtagpo lang tayo ng nakaraan,
ngunit hindi tayo itinadhana sa kasalukuyan,
dahil may ibang tao sa ating nakalaan.

tayo'y naging bahagi lamang ng bawat pahina,
pinagtagpo pero hindi tinadhana,
na sa bawat pahina marahil ay may dahilan,
kung bakit hindi sa atin sumang-ayon ang tadhana.

sapagkat alam niyang sa dulo ng magkasalisi nating daan,
may tamang tao na sa atin ay nakalaan.
Nakakatawa di ba?
pinagasama tayo sa iisang pahina,
pero natapos ang kwento na iba ang kasama.

nais kong makasama kang muli,
mahagkan ka't mayakap,
pero para saan pa,
kung ang ating kwento ay tapos na?

gusto kong makita kang nakangiti,
sa paraang yun,
masasabi kong ikaw'y naging masaya,
kahit hindi na ako ang dahilan ng pag ngiti mo.

__✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon