21

12 3 0
                                    

//—Tamang disisyon—//

tama na naman ang pinili ko di ba?
tama lang na layuan kita,
dahil hindi mo kayang magpakatotoo,
hindi mo kayang mahalin ang tulad ko.

alam mo, sana noon pa ginawa ko na,
sana noon pa narealize ko na,
na hindi ako ang para sa'yo,
na hindi mo kayang mahalin ang tulad ko.

bakit nagsisisi ka ngayon?
dahil wala na ako sa tabi mo?
hindi mo na magawa ang isang bagay,
na wala ako?

sorry ha, kasalanan kong nasanay ka,
pero sorry din,
kase hindi mo deserve ang kagaya ko,
hindi mo deserve ang pagmamahal ko.

tama lang na iniwan kita,
wala ka namang ibang ginawa,
kundi iparamdam sa akin,
araw at gabi, na hindi tayo pwede.

minahal mo ba talaga ako?
o ginamit mo lang,
para sa ikasasaya mo?
patawad, pero tama ang disisyon ko.

//__//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionOn viuen les histories. Descobreix ara