26

10 1 0
                                    

//—•—//

sana naman kahit papaano,
pinagsisihan mo yung ginawa mo.
sana maisip mong sinaktan mo ako,
sana hindi ka nakakatulog sa gabi.

ayos lang naman sana eh,
pero dahil sa ginawa mo,
at iniwan mong sakit sa akin,
hindi ko na kayang magmahal ng iba.

natatakot akong gawin ulit sa akin,
yung mga ginawa mo.
alam kong mali,
pero yun ang totoo.

ayaw ko na ulit sumugal,
ayaw ko na ulit mapagkatanga,
ayaw ko na masaktan,
kasi sa dulo, ako pa rin ang talo.

//—•—//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon