04

71 3 0
                                    

"TALKING STAGE"

Tama nga sila, sa una lang masaya,
Tama nga sila, pagmahal mo, gagawin mo ang lahat,
Tama nga sila, iiwan ka din kapag nagsawa na,
Tama nga sila, masasaktan ka kahit hindi man naging kayo.

Pero lahat ng 'yan, hindi ko pinansin
Kase akala ko ikaw na yung "the one"
Nagkamali pala ako,
Pilit man kitang intindihin
Pilit ko mang sabihin sa puso't isip ko na masakit na,
Tinuloy ko pa din, kase unti-unti na akong nahuhulog sa'yo.

Bawat salitang binibitawan mo,
Mga pangako mong matatamis,
Mga paglalambing mong kay sarap sa pandinig,
Mga pangako mong binibitawan na aking inaasahan,
Na kailan man hindi mo tinupad.

Nangako kang hindi lilisan,
Pero ito ako,
Hinihintay kang muling bumalik.

Gusto ko lahat balikan,
Gusto ko ulit maranasan,
Pero para saan pa?
Kung ang yung pag-ibig ay wala na?

__✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now