17

33 4 0
                                    

//—•—//

Bakit gano'n?
ang hirap ng sitwasyon,
ikaw ang unang nagkagusto,
pero ako itong naghahabol sa dulo.

tama pa ba ito?
o ako'y nagpakatanga na lang ng tudo?
mga pangako mong binitawan,
akin pa ring pinanghahawakan.

hindi ko lubos maisip,
na ako'y hahantong sa ganitong sitwasyon,
kung saan ang dating tayo,
ay tuluyan mo ng binago.

mga ala-alang naiwan mo,
mga pangarap na ating binuo,
ngayon'y tinutupad mo,
kasama ang ibang tao.

ang hirap ng ganito,
ako'y nag aalala sa kalagayan mo,
samantalang ikaw'y walang pakialam,
sa kung ano ang nararamdaman ko.

balang araw, sana'y iyong maisip,
na ang babaeng iniwan mo,
ay tuluyan nang napagtanto,
na hindi ikaw ang tamang tao.

__✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon