42

1 0 0
                                    

//—SB19—//

Mahal kong lima,

PABLO
Salamat sa mga likha mong liriko,
Na nagpatatag sa akin ng husto,
Binigyan mo ako ng pag-asa,
Na muling kumawala sa pagkakagapos ko.

FELIP Ken Suson
Sa paglipas ng araw,
Ikaw pa rin ang gusto kong matanaw,
Lilipad ka pa ng malayo,
Asahan mong ako'y kasama mo.

Vester Stell Ajero
Salamat sa pagpapatawa mo,
Dahil ang pangit kong mundo,
Ay muling nagkakulay,
Nang dahil sa'yo.

Jah de dios Justin de Dios
Salamat sa mga corny mong jokes
Na kahit na walang kwenta ay marami pa ring tatawa,
Binigyan mo ako ng lakas ng loob
Na ilabas kung sino ako at kung ano ako.

Josh Cullen Josh Cullen Santos
Ikaw ang nagturo sa akin,
Na huwag basta-basta sumuko sa anomang laban sa buhay,
Tinuruan mo akong maging matapang
At maging matibay sa lahat ng hamon sa buhay.

SB19
Salamat sa inyo,
Nakilala ko pa mismo ang sarili ko,
Tinuruan nyo ako ng maraming aral
Na noon ay hindi ko nalalaman.

Tinulungan nyo akong bumangon muli,
Tinuruan nyo na huwag sumuko sa pangarap,
Salamat sa lahat ng musikang inyong likha,
Na patuloy na tumutulong sa akin.

Tinuruan nyo akong maging matapang,
Harapin lahat ng problema sa buhay,
Tuparin lahat ng pangarap,
Nang dahil sa inyo, nagpapatuloy ako.

_✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now