02

113 9 4
                                    

"TAYO"

Bakit kailangan kong masaktan?
Kung pwede namang magmahalan?
Bakit kailangan kong umasa,
Kung pwede namang ikaw'y makasama?

Bakit hindi na lang maging tayo,
Kung ako'y iyo ring gusto?
Bakit hindi ka nakuntento,
Kung tama naman ang nararamdaman ko para sa'yo?

Bakit hindi ko kayang ikaw'y pakawalan,
Kung pag-ibig mo'y sa iba na nakalaan?
Bakit ang hirap mong bitawan,
Kung ikaw na mismo ang bumitaw.

Ang hirap ng ganito,
Ako'y natutuliro,
Pag-ibig kong kay tamis,
Hindi pala iyon ang nais.

Ikaw'y papakawalan,
Sapagkat ako'y nahihirapan,
Pag-ibig kong tapat,
Hindi pa rin pala sapat.

Tatanggapin na lamang,
Ang isang katototohanan,
Na ang IKAW at AKO,
Ay hindi mangyayari kailanman.

Hindi ko maintindihan,
Paghanga ko'y binalewala,
Puso kong ikaw'y laman,
Sa iba humahanga.

Hindi ako umaasang gustuhin mo,
Sapagkat kahit kailan,
Hindi ko gustong ipagsiksikan sa'yo ang sarili ko.

Nais kong ikaw'y lumigaya,
Sa bawat araw na ikaw'y aking nakikita.
Dahil kapag ika'y malungkot,
Puso ko ang siyang nalalagot.

Ako ay masaya,
Kapag ikaw'y aking nakikita.
Ngunit biglang napapawi,
Dahil siya ang iyong kasama.

Bakit ko nga ba kailangang masaktan pa,
Kung ang salitang TAYO ay TAPOS na,
Bakit ang hirap tanggapin,
Na ang pag-ibig mo'y hindi na sakin.

_✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now