27

10 2 0
                                    

//—•—//

hindi mo man sabihin,
ramdam kong ayaw mo na sa akin,
hindi mo man aminin,
alam kong hindi mo na ako mahal.

pero alam mo?
masaya ako,
kasi kahit papaano,
pinaramdam mong mahalaga ako.

sayang nga lang 'no?
kasi hindi tayo nagtagal.
pero sa totoo lang,
ang saya ko na natapos tayo.

hinihiling ko,
na sana hindi na lang kita nakilala.
oo pinagsisihan kong nakilala kita,
sinaktan mo'ko eh.

pinaramdam mo nung una,
na importante ako,
sinabi mo sa akin,
na hindi mo ako iiwan.

pero ang totoo,
kagaya ka rin nila,
na kapag sawa na,
aalis na.

//—•—//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now