35

5 0 0
                                    

//—•—//

sa bawat paglubog ng araw,
senyales ng katapusan.
kahit gaano pa ito kaganda,
nagpapahiwatig pa rin ito ng pamamaalam.

ngunit sa kabila nito,
may panibagong umaga,
na kahit hindi gaano kaganda,
may pag-asa kang matatamasa.

oo maganda ang paglubog ng araw,
pero mas maganda,
kung sa paglubog nito'y
kasama ang iyong problema.

iwan lahat ng sakit na dulot ng kahapon,
at muli kang bumangon
sa panibagong umaga mo ituon
ang iyong atensyon.

//—•—//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now