14

41 4 0
                                    

//—•—//

Hindi ko inakala,
nung una kitang makita
na ako'y lubos na hahanga
sa iyong ipinakita.

hindi ko man lubos na maamin
na ako sa'yo'y may pagtingin
ngunit nais kong malaman mo
na ika'y aking palihim na ginugusto.

aking ginoo,
sandaling dinggin mo
ang aking pagsusumamo
at sabihing, ako'y nabihag mo.

hindi pa man kita lubos na kilala,
pero masasabing ako sa'yo'y nahulog na,
ikaw at ako,
sa tingin ko'y bagay tayo.

pag sapit ng ika-10 ng gabi,
nais kong ikaw'y mapasa akin,
ngunit anong karapatan
kung ang katulad ko'y iyong kinadidirihan?

//___//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now