32

3 0 0
                                    

//—Nagkulang nga ba?—//

ang dami kong tanong sa sarili,
tanong na kailan man hindi masasagot,
tanong na walang kasiguraduhan,
kung totoo nga ba o hindi.

nagkulang nga ba?
o sadyang ayaw mo na talaga?
nagkulang nga ba ang pagmamahal ko?
o sumubra sa pagmamahal sa'yo?

hindi ko mawari kung saan tutungo,
kung ano ang pwedeng gawin,
malaman lang ang 'yong kasagutan,
kung nagkulang ba ako o hindi na ako.

bakit gano'n?
hindi pa ba ako sapat?
hindi ba ako karapat-dapat?
hindi, hindi ka karapatan-dapat mahalin.

hindi ako nagkulang,
sumubra lang sa pagmamahal sa'yo,
na maging sarili ko,
hindi ko na nagawang mahalin.

//—•—//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now