19

35 3 0
                                    

//—•—//

natuto na ako,
natuto na akong mahalin ang sarili ko,
natuto na akong harapin lahat,
kahit pa hindi ako naging sapat.

aking napagtanto,
na ang tanging makakatulong sa'yo
sa oras na kailangan mo ng iba,
ay ang sarili mo.

hindi mo kailangang maging perpekto,
para lang mahalin ng ibang tao,
ang kailangan mo
ay magpakatotoo.

naalala mo pa ba?
na pagsapit ng alas diyes,
umiiyak ka?
nagtatanong kung anong pagkukulang mo?

hindi mo ba naisip,
na kailan man wala kang pagkukulang,
na kailan man, sapat lahat ng ginawa mo,
hindi lang nila pinahalagahan.

kaya tumayo ka,
bumangon ka, kumilos ka,
at harapin ang panibagong umaga,
na may ngiti sa labi.

nais ko lang ipaalala sa'yo,
na worth it ka,
na sapat at dapat lahat ng ginawa mo,
para sa sarili mo.

magpatuloy ka,
sa pagtahak ng landas
na kung saan
para sa'yo ang nakalaan.

__✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now