31

7 1 0
                                    

//—•—//

Kapag mahal mo, ipaglaban mo?
hindi ako naniniwala,
kasi kahit gaano mo pa kamahal
ang isang tao,
kapag umayaw na yan,
walang kang magagawa.

kapag mahal mo, habulin mo?
mas lalong mali,
paano mo pa hahabulin,
ang isang taong ayaw na sa'yo?

hindi sa lahat ng oras,
kaya mong lumaban at maghabol.
hindi sa lahat ng oras,
matapang ka at kaya mo.

hindi masama ng sumuko,
lalo na kapag ang kapalit nito
ay tagumpay mo,
na kailan man hindi makukuha sa'yo.

okay lang masaktan,
pero bumangon ka,
magpatuloy ka,
kahit wala na siya.

//—•—//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now