24

6 1 0
                                    

//—•—//

Ma, Pa, pagod na po ako.
hindi ko na po kaya.
ang dami pong problema.
at isa po kayo do'n.

hindi po ba dapat,
magulang ang tutulong sa anak?
pero bakit po,
kayo ang humihila sa akin pababa?

hindi po ba dapat,
masaya kayo para sa akin?
pero bakit po gano'n?
hindi pa rin ako sapat?

ginawa ko naman po lahat,
lahat para maging proud kayo sa akin.
para maipagmalaki nyo ako,
pero bakit kulang pa rin?

ano po bang dapat kong gawin?
ano pong kailangan kong gawin?
para kahit papaano,
ako'y inyong mahalin?

hindi na po alam ang gagawin ko,
pagod na pagod na po ang anak nyo,
hirap na hirap na po ako,
Ma, Pa, pahinga na po ako.

//—•—//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now